OTSO

1665 Words
NOTE: SUPER DUPER MEGA ULTRA LATE UPLOAD. BUSY LANG SI OTOR. MWA "Saan ka ba nagpunta kagabi?" Nasa hapag-kainan ako ngayon kasama si tita na walang sawa akong sinisermonan. Umaga na kasi ako nakauwi sa mansion niya kaya panay ang bunganga sa akin. Tiningnan ko nang masama si Epoy. Malamang siya ang nagsumbong kay tita na hindi ako umuwi kagabi. "Alam mo bang alalang-alala ako sa'yo? Paano nalang kung dinampot ka? Usong-uso ang kidnapan ngayon, Bret. Next time na aalis ka magsama ka ng mga boylet ko dito, okay?" "Opo, tita." mahina kong sabi. "Pasensya na kung natataasan kita ng boses. Nag-alala lang talaga ang tita mo, okay?" hinalikan niya ako sa noo at saka siya umalis. Naiwan kaming mga house boy niya sa hapagkainan. Napansin ko si Epoy na hindi makatingin sa akin. "Ikaw ang nagsumbong kay tita?" pagtatanong ko sa kanya pero deadma lang siya. "Next time, mag-iingat ka na. Sasamahan ka namin kapag lalabasa ka." sabi ng katabi ko. Sa inis ay iniwan ko sila at umakyat ako sa kuwarto ni tita. Saktong naroon siya at nagpapaganda sa harap ng salamin. "Oh, tapos kana kumain? Anong kailangan ng minamahal kong pamangkin?" pagtatanong niya na nasa tonong paglalambing. "Ayoko isama ang mga gwardya mo tuwing aalis ako. Malaki na ako, tita." "Ano? Hindi puwede 'yun, baby. Baka mapahamak ka." natigilan siya sa pag mi-make up. Umiling ako. "Gusto kong kamustahin sila mama. Puwede mo ba akong ipadala do'n?" "Sure baby, basta babalik ka agad dito, ha." Kahit na ayokong kasama ang mga gwardya niya sa bahay ay napilitan na lamang ako, kasama ko si Epoy, na siyang nagda-drive ng kotse, pati na rin ang dalawang gwardya na nasa tabi ko. Pinagitnaan nila ako para daw sa aking seguridad. "Seguridad? Bakit? May gusto bang pumatay sakin?" tanong ko habang nasa biyahe. "Ah basta, sumunod ka na lang sa utos ni madam." I see. Mukhang si tita ang nag-utos sa mga gwardyang ito na protektahan ako. Pero bakit? Para saan? Naalala ko ang mga nangyari kagabi nang matulala ako sa kawalan.... Ano pa bang gusto mo ha??? Binigay ko na sa'yo ang katawan ko. Kulang pa, Bret. Dahil hindi ko pa nakukuha ito. Ano? Hindi puwede, hinding-hindi mo ako madudumihan. Hindi mo ako puwedeng wasakin, ayokong madumihan mo, Howard. Ah gano'n? Sigurado akong magsisisi ka. Nakatakas ako sa lugar na iyon pero hindi naging madali. Hinabol ako ni Howard hanggang sa makalapit ng gate. Hinarang ako ng guwardiya pero mabuti na lang at naroon pa rin ang taxi na sinakyan namin kanina. Hinihintay niya pala ako dahil malaki ang bayad sa kanya ni Howard, ito rin kasi ang maghahatid sa akin pag-uwi. Anong nangyayari dito, ser? Ser, tulungan mo ako. Nagmakaawa ako sa taxi driver na lumabas na kami sa village na ito pero pinipigilan kami ng guwardya. Ser, paalisin niyo na kami dito. Sabi ni driver kay guwardya pero ayaw pa rin niyang magpalabas. Nakita kong may parating na kotse at kung hindi ako nagkakamali, si Howard ang sakay nun. Nagmakaawa ako kay guard na patakasin na kami dahil baka kung anong gawin ni Howard sa akin. Napilitan na akong sapakin si guard at pinagtulungan namin siya ni mamang driver. Halika na, sir. Nakatulog na ang guard at sinubukan naming tumakas ni driver, pinauna niya ako. Inakyat ko ang bakod habang tinutulungan ako ng driver na makatakas. Nagawa ko nang makalusot pero hindi ang driver. Sige, takbo! Sigaw iyon ni Howard. Isa sa mga guwardya niya ang lumabas ng kotse at walang awang pinagbabaril si mamang taxi driver. Sobra akong nagulat noong mga oras na iyon. Tumakbo ako nang mabilis hanggang sa makaya ko, dahil kung hindi baka ako na ang sunod na ipapatay ni Howard. "Baliw kana talaga." "Boss, sinong kausap mo? Nandito na tayo." wika ni Epoy at bumalik ako sa wisyo nang makita kong nasa tapat na nga kami ng bahay. Sinilip ko muna sila bago ako lumabas. Tahimik, gano'n pa rin. Hinayaan nila akong pumasok mag-isa sa bahay namin at doon ko nakita si Chiro, gulat na gulat habang nakatingin sa akin. "Kuyaaaaa......" sigaw niya at agad akong niyakap. "Namiss mo ba ang kuya?" "Sobra." tumango-tango siya. "Ma, nandito na si kuya!" sigaw niya at nagsibabaan silang lahat. "Brethart, anak." wika ni mama at bigla niya akong niyakap. "Bat ngayon ka lang dumating? "Mahabang istorya ma. Ang mahalaga nandito na ako ulit. Namiss ko kayo." masayang-masaya kong tugon habang niyayakap silang lahat. "Eh kami, namiss mo rin ba?" biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang pamilyar na boses ni Howard na nasa likuran ko lang pala kasama sila Zyrill at Troy. "Para ka namang nakakita ng multo, pare. Nakakatawa 'yang reaksyon mo." anas ni Troy. "Welcome back, Bret." nakangising sabi pa ni Zyrill. "A-Anong ginagawa niyo rito?" nauutal ko pang sabi. "Ano kaba, anak?" tinapik ako ni mama. "Bakit ka ba biglang nawala? Hinahanap ka na nitong mga kaibigan mo, sa katunayan tinulungan pa nga nila ako sa paghahanap sa'yo." "Oo nga, alam mo bang namiss ka na namin ng sobra, Brethart." ani Troy sabay ngisi rin. "Osya doon muna kayo sa kwarto at magluluto pa ako." utos ni Mama kaya wala na akong nagawa kundi umakyat sa kwarto ko. Grabe. Sobrang namiss ko itong kuwarto ko. Sa pagkasabik ko ay dali-dali akong tumalon sa kama at niyakap ang mga unan. Pero sa isang saglit ay biglang bumalik sa ala-ala ko si kuya Raph. "Ehem." singhal ni Howard. "So kumusta ka naman?" "A-Ako? Ayos lang naman." matipid kong sagot. "Welcome back, Pare!" sabay yakap sa akin ni Zyrill. "Balita ko nag-tatrabaho ka na raw sa fastfood? Totoo ba 'yun? Parang hindi." natatawa pa niyang sabi. "Eh nakita ka pa namin nakaraan sa isang bar. Ang galing-galing mo sumayaw doon." dagdag naman ni Troy. "Ano!" gulat kong sabi. "Papanong-" "Ssshh." pagputol ni Howard. "Alam mo. Okay na ako. Kahit huwag mo na bayaran 'yung utang mo sa akin. Mag-inuman na lang tayo tutal ang tagal mong nawala na parang bula." Nakapagtataka naman bigla si Howard dahil mukhang hindi niya na ako dinadaan sa harass. "Ah sorry ano kasi." bigla kong naisip sila Epoy na naghihintay sa labas. "Hindi ako pwede." "Ano ba naman 'yan, Bret. Minsan lang 'e." sinuntok ako ni Troy sa braso. "Pasensya na, hindi talaga ako pwede." muli kong pagtanggi. Lalabas na sana ako ng kuwarto nang biglang nagsalita si Howard. "Hayaan niyo na, pre. Baka may gig 'yan mamaya sa bar at sasayaw siya uli ng Neighbor's Know My Name." "Hindi. Next time na lang tayo mag-inuman, wala ako ngayon sa mood." at muli na akong bumaba ng bahay. Nakita ko si Alfred na nasa lamesa namin kausap ang kapatid kong si Chiro at Sean. Napangiti naman ako dahil kahit papaano ay may tumatayong kuya naman pala sa mga kapatid ko habang wala ako. Pero hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit biglang nagbago si Howard. Pero hindi pa rin ako pwedeng magtiwala. Speaking of kuya, mukhang mabibigo ko si kuya Raph sa gusto niya. In reality ako pa rin pala si Brethart na nagtatago sa alyas na Hudas at gumagawa ng mga maseselang bagay sa internet. Papaano kaya ako makakatakas sa ganoong setup na nasimulan ko na? Baka magalit lang sa akin si Tita Joy. Nagsinungaling muli ako. Sinabi ko sa Mama ko na aalis muna ko dahil may hinahabol akong trabaho. Bumalik na ako sa kotse at bumalik papauwi sa Viva Village. Iniisip ko ngayon kung anong desisyon ang pipiliin ko. Hindi pa rin kasi ako sigurado kung talagang hindi na ako dadaanin sa harass ni Howard. At isa pa, ayoko na maging si Hudas. Gusto ko nalang maging normal dahil simula talaga noong nag 18-years old ako, puro na lang pagsubok ang dumating sa akin. "Ano! Hindi pwede 'yun, nak." napatigil si Tita Joy sa pagme-makeup dahil sa sinabi ko. "Gusto ko na pong umuwi sa amin." nakayuko pa ako dahil ayaw kong makita ang reaksyon ni Tita Joy kung magagalit ba siya sa desisyon ko. "Bret please, help your tita. Kahit doon ka nalang mag video sa bahay ninyo. Basta matalo ko lang si Cherise okay na ako please, nak." pagmamakaawa ni Tita. Oo nga naman. Kailangan ko maging fair kay Tita. Tinulungan niya ako kaya dapat tulungan ko rin siya pabalik. Saka ko na lang siguro susundin ang nais ni kuya Raph sa akin kapag natapos ko nang pagbigyan si Tita Joy. Nagpaalam na ako sa mga houseboy doon at napagdesisyunan ko nang sa bahay na lang gumawa ng content. At syempre, kailangan ko magdobleng ingat pa rin dahil may iniingatan akong personality. This time ay hindi na ako nagpahatid sa bahay gamit ang kotse at driver ni Tita. Nilakad ko nalang pauwi kahit na alas-dyis na ng gabi. Sobrang namimiss ko na ang pamilya ko, pati ang mga kaibigan ko. Hihingi na lang ako ulit ng tawad kay Howard para mapatawad niya ako sa pagkakautang ko sa kanya. Siguro babawi nalang ako kapag totoong nagtatrabaho na ako. Papalabas na ako ng gate ng village nang may naka-abang na puting van sa harapan ko. Lumabas ang lalaki at bigla ako nitong tinawag. "Sakay na, Bret." boses ito ni Howard. "H-Ha? Anong ginagawa mo rito?" nauutal kong pagtatanong dahil hindi ko akalain na alam niyang nandito ako sa Viva Village nagtatago. Pumasok ako sa van at pinatabi ako ni Howard sa kanya. Yup, siya ang driver at nasa tabi niya ako. Napatingin naman ako sa dalawang humihilik na lalaki sa likod namin. "Galing kami ng bar kung saan ka sumayaw." aniya sabay inom ng in-can na beer. "Ayun lasing na lasing ang dalawang tukmol." "T-Teka hindi ka ba lasing?" takot na takot kong sabi. "Hindi ako weak pagdating sa inuman." kumindat pa si Howard. "Nabitin pa ako. Alam mo doon tayo sa bahay, mag-iinuman tayo. At..." sabay nilapat niya ang malikot niyang kanang kamay sa harapan ko. "Marami tayong dapat pag-usapan. Napalunok ako. Hindi pa rin pala tapos ang pangha-harass ni Howard sa akin. I guess. Nagkamali ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD