UNO

4465 Words
  “Welcome to hell.” Mahina ang kanyang pagkakasabi kaya naman hindi ko na lang ito pinansin. Pinagmasdan ko lang ang magagarbong kagamitan niya sa loob ng kanyang napakalaking bahay o tatawagin ko na lamang itong mansion dahil sa laki at lawak nito. Grabe talaga si tito- este tita, yayamanin na talaga siya. Inikot ko pa ang paningin ko sa loob hanggang sa dinala ako ng mga paa ko patungo sa napakahabang lamesa. Pinagtataka ko lang kung bakit napakahaba nito kung si tita lang naman ang nakatira dito o kung may lalaki man siya sa dito dapat silang dalawa at wala nang iba. Aanhin naman kaya nila ang ganito kahabang lamesa? O di kaya dito sila nag-aanuhan? Joke. “T-Tita Joy?” pagtawag ko sa kanya. “Bakit baby Bret?” malandi niyang pagsabi sakin pero hindi ko na lang pinansin. “Ilan ba ang nakatira dito sa bahay mo? Ba’t ang haba ng lamesa? Ang creepy kasi.” Napaimpit siya sa pagtawa. “Creepy or curious?” “Hmm… Same.” Ngumisi ako. “HAHAHA.” Tumawa siya ng malakas. Ngayon ko lang napansin na parang naging babae na rin pala ang boses ni tita Joy. Pati na rin ang harapan nito, hindi na flat. Talagang may dibdib na siya na para bang isang tunay na babae. “Bakit po, tita?” kumunot ang noo ko sa pagtataka. “Hmm. Wala naman. Osige baby Bret, umakyat kana sa ikalawang palapag ng mansion. Nasa pulang pinto ang kwarto mo, inihanda ko na ‘yun bago ka pa dumating rito.” Aniya at naramdaman ko pang inamoy-amoy pa niya ako bago niya ako paakyatin sa itaas. Nakapagtataka ang ikinikilos ni tita, pero hinayaan ko na lang. Hindi pwede mag-inarte dahil wala na akong ibang choice kundi dito. Dito na ako magtatago hanggang sa makabayad na ako ng tuluyan sa utang. Pero iniisip ko kung saan ba ako kukuha ng pangbayad sa utang? Kung kay tita naman, nakakahiya. Ang laki-laki ng pagkakautang ko. Paano ko ba sisimulan ang plano ko? Magnanakaw kaya ako kay tita ng pera? Fck! Fck talaga! Kung hihingi naman ako kay tita sigurado akong may kapalit iyon. Pagpasok ko sa kwarto, kitang-kita ko ang napakaayos at napakalinis sa kahit anong sulok. Halatang pinaghandaan talaga ni tita ang pagpunta ko rito. Pero bakit? Bakit kaya? Siguro dahil na rin sa pamangkin niya ako. Mabait talagang tao si tita, alam kong maasahan ko siya sa lahat ng oras at bagay. At sana siya na nga ang sagot sa malaki kong problema. Napakalaki na kayang-kaya akong patayin ng papa ko kapag nalaman niya ang tungkol sa pagkakautang ko sa kaibigan kong si Howard. “Gising ka pa ba baby Bret?” Nagulat ako at napatalon dahil sa pagpasok ni tita sa loob ng kwarto ko. May dala-dala siyang mga damit na iba-iba ang kulay. Magaganda ang mga ito pero hindi ako sigurado kung para sa akin ang mga bagay na iyon. Nilapitan niya ako at saka inabot ang mga damit na magagarbo. “Para sa’yo yan, baby Bret. Feel at home ka dito sa mansion. Gusto kong suotin mo ‘yang mga ‘yan, regalo ko yan sa’yo sa pagdating mo dito sa mansion. Matulog ka na nang makapagpahinga ka pa. Sige, aalis na ako.” Aniya at naglakad na siya patungo sa pinto ngunit tumigil din siya ng ilang sandali. “Wala nga pala ako dito bukas because of work, be nice to my servants.” Sabay kindat niya at saka umalis. So, may mga servants pala siya dito sa loob ng bahay? Bakit hindi ko nakita? Ah, baka naman natulog na ang mga ‘yun. Sa kapilyuhan ko, napagisipan kong lumabas ng kwarto at nag-ikot-ikot na rin dahil sa curiousity ko. Napakalawak talaga ng mansion ni tita Joy. Para akong nakatira sa isang napakalaking kaharian at ako ang prinsipe. Natutuwa ako habang pinagmamasdan ang mga paintings na nasa hallway ng mansion. Mahilig din pala sa mga paintings si tita, ngayon ko lang nalaman. Grabe, papaano kaya yumaman ng ganito si tita? Parang dati lang mas mapera pa kami kay tita pero ngayon ibang-iba na siya. Pati na ang katawan niya, ang laki na ng pinagkaiba. “Pssst…” Narinig ko ang sumitsit sa bandang kanan ko at napatingin ako banda roon. May isang lalaking lumabas mula sa puting pinto. Bata pa itong lalaking ito at tiyak kong mga nasa mahigit bente-anyos ang edad niya. Nakaputing sando lang siya at hapit na hapit. Maskulado ng kaunti ang kanyang katawan. Boxer shorts lang din ang pang-ibaba niya kaya kitang-kita ko ang kanyang mga magagandang hita. Matapos kong pagmasdan ang kanyang pananamit, inangat ko naman ang tingin ko sa kanyang mukha. Nakangisi ito habang nakatingin sa akin. “Po? Servant po ba kayo dito?” magalang kong tanong sa kanya. Sinisigurado ko lang kasi kung servant ba talaga siya rito, sa hitsura kasi ng mukha niya para namang hindi siya magiging servant. “Yep.” Matipid niyang tugon. Tiningnan niya lang ako ng malagkit. Natawa ako kunwari para mahinto ang malagkit niyang pagtitig sakin, “Talaga? Hindi halata sayo. Sige, matutulog na ako.” “Sandali.” Pagpigil niya sa pag-alis ko. “Anong pangalan mo? Bago ka rin bang servant dito ni Ms. Joy? Mukha ka pa kasing bata, tol.” Napaimpit ako sa pagtawa, “Talaga? Mukha ba akong servant dito? Brethart ang pangalan ko, at ako lang naman ang pamangkin ng pinagsisilbihan niyo.” Mayabang kong asta sa kanya. Ba’t naman ako magiging servant ng tita ko? Mukha ba talaga akong servant sa hitsura kong ‘to? Hindi ba niya alam na magaganda ang lahi ng mga Roeland? At kahit kailanman hinding-hindi magiging servant ang tulad ko na isang Roeland. “Ah pasensya na boss.” Napayuko siya at muling inangat ang tingin sa akin. “Sensya na, ako nga pala si Raphael, Raph nalang ang itawag mo sakin.” Nakipagkamay siya at tinanggap ko naman. “May ipapautos ka ba, boss?” pahabol niyang tanong bago ako umalis. “Wala naman, sige matutulog na ako.” “Sandali. Saan ba ang kwarto mo? Gusto mo masahehin kita bago matulog?” alok niya. Nalaglag ang panga ko dahil sa alok niya. Ilang buwan na rin akong hindi nakakapag-pamassage. Siguro nama’y ito na ang panahon para mapagsilbihan ako ng isa sa mga servant ni tita Joy. Sobrang stressed na ako nitong mga nakaraang araw kaya naman tatanggapin ko na lang ang alok nitong si Raph. Wala naman sigurong masama kung tanggapin ko iyon ‘diba? “Sige.” Pagtanggap ko sa alok niya. Nagpunta kami sa kwarto at doon hinubad ko ang aking pang-itaas, tanging boxers na lang ang suot-suot ko ngayon pagkatapos ay dumapa na ako sa malambot at malaki kong kama. Napakaswerte ko talaga at itinuring talaga akong prinsipe dito ni tita Joy, biruin mo meron pa akong masahista. Napatingin ako sa kanya bago mag-simula. Nakakapagtaka nga dahil hinubad niya rin ang pang-itaas niya at pareho na kami ngayon na boxers na lang ang suot-suot. Dumapa na ulit ako dahil nagsimula na siyang pahiran ng oil ang likuran ko. Nagsimula na rin siyang hagurin ang likod ko. Napaungol pa ako dahil sa sarap niyang mag-masahe. Aminado akong ito ang pinakamasarap na kamay na humagod sa likuran ko. I’ll badly pay for this hands kung may pera lang ako. Unti-unti na rin akong nare-relax sa ginagawa ni Raph sa likuran ko. Napapikit na lang ako habang patuloy niya pa ring minamasahe ang likuran ko. “Harap na boss.” Aniya at humarap ako gaya ng kanyang sinabi. “Wow.” Reaksyon pa nito habang pinagmamasdan ang magandang built-in ng katawan ko. “Ang ganda ng katawan niyo boss.” Aniya habang nilalagyan ng oil ang dibdib at ang bahagi ng abdominal muscle ko.  Nagpatuloy siya sa paghagod ng dibdib ko. Nararamdaman ko pa nga ang ginagawa niyang paglalaro sa n****e ko pero hinayaan ko na lang at baka parte ito ng masahe. Bumaba ang mga palad niya sa abs ko. Nakapikit pa rin ako habang ninanamnam ang paghagod na ginagawa niya sa katawan ko. Napakagaling talaga mag-masahe ni Raph at masasabi kong the best siya sa lahat ng mga nagmasahe sa akin. “Masarap ba, boss?” tanong niya. “Oo, magaling ka magmasahe. Matagal mo na ba ‘tong ginagawa?” tanong ko rin habang nakapikit. “Oo boss, 16 taon pa lang ako nang matutunan ko ang pagmamasahe. Natuto ako dahil sa tatay kong magaling mang-hilot at mag-masahe.” “Ah ganoon ba? Edi minamasahe mo rin si tita Joy?” “Oo naman, pero hindi lang katawan niya ang minamasahe ko.” Tugon niya at hindi na ako nagsalita pa. Medyo natakot ako doon sa sinabi niya na hindi lang katawan ni tita ang minamasahe niya. Natahimik na lang ako at hindi na nagsalita pa. “Ganda ng katawan mo, boss. Nag gi-gym ka ba?” muli niyang pagtatanong. “Ah hindi, batak kasi ako sa paglalaro ng bola.” Tugon ko. “Ah, ako din boss. Magaling ako maglaro ng bola, dalawang bola pa nga ang kaya kong paglaruan.” Natatakot na ako sa mga sinasabi niya at parang gusto ko nang itigil ang ginagawa niyang pagmamasahe sa akin. Basketaball ang tinutukoy kong laro pero parang ibang laro naman ang naiisip ko sa tinutukoy niya. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pag-iisip ng mga kung anu-anong mga bagay. Iniisip ko kung ano ang ibang parte na minamasahe ni Raph sa katawan ni tita Joy pati na rin ang dalawang bola na kung saan doon siya magaling maglaro. “Boss, ayos lang ba? Ayos lang ba kung pati ang nakatayo dito sa loob ng boxers mo ay masahehin ko rin?” Nagulat ako sa tanong niya at tinignan ko kaagad ang boxers ko. Napamura ako nang makita kong nakatayo na pala ito at mukhang galit na galit pa dahil sa mga kung anu-anong naiisip ko kanina. “Nevermind that Raph, makaka-alis ka na.” matigas kong sabi para maibsan ang hiya ko dahil sa bagay na umuumbok sa boxer shorts ko. “Hindi pwede, kailangan kong tulungan ang boss ko na mailabas ang init na nararamdaman niya sa katawan. Boss, hayaan mo akong parausin ka.” Napatayo ako sa sinabi niya, “Wtf! Are you crazy? Kaya ko na magpalabas nang mag-isa, I don’t need your help!” “Hindi pwede, boss. Utos ito sa akin Ms. Joy, malilintikan ako kapag hindi ko ito nagawa. Utos sa akin ni Ms. Joy na paligayahin kayo sa unang pagpunta niyo rito.” Inabot ng kanyang kanang palad ang harapan kong may naka-umbok. “No! Umalis ka na! Labas!” sigaw ko sa kanya. “Sige boss, maaaring hindi ngayon pero papayag ka din sa ibang araw.” Ang sabi pa nito bago lumabas ng pinto. Parang gusto ko na lang na umalis dito at bumalik ng bahay pero papaano na yung utang ko sa kaibigan ko? Ano bang gagawin ko? Bakit inutusan ni tita Joy ang kanyang mga servant na manyakin ako? Kasama ba ito sa pagtira ko dito? Kailangan ko ba talagang makisama at pumayag sa mga gusto nila para magtagal ako rito sa mansion na ‘to? Lumabas ulit ako ng kwarto para hanapin si tita. Naglibot-libot na ako kung saan-saan pero hindi ko talaga mahanap ang kwarto ni tita. Marahil tago ito at ayaw niyang malaman ko ang kwarto niya. Kung saan-saan pa ako nagtungo at napunta na ako sa likod ng mansion. Bukas ang pinto doon at sigurado akong may tao sa labas nito. “Ano? Ba’t hindi mo nagawa?” boses iyon ni tita. Tama nga ang hinala kong may tao dito sa labas. Garden pala ang likuran na ito at kitang-kita kong nag-uusap sina Raph at tita Joy dito sa labas. “Pasensya na, Ms. Joy pero ayaw talaga ng pamangkin mo. Masyado siyang pakipot.” Tugon ni Raph. “Pilitin mo, bibigay din iyon si Brethart. Ayokong umalis siya dito sa mansion, kaya gawin mo ang lahat para hindi na siya bumalik sa pamilya niya. Kung hindi mo ‘yun magagawa, tatanggalin kita sa trabaho. Kaya gawin mo ang pinapagawa ko, okay?” “Yes po, Ms. Joy.” “Good, bumalik ka na sa kwarto niya. Tabihan mo siyang matulog.” Utos ni tita at tumango naman si Raph.  Nang matapos na ang kanilang usapan dali-dali akong nagtungo sa banyo para doon magtago. Dumagdag na naman sa mga iisipin ko ang mga sinabi ni tita kanina. Ano bang gusto niyang gawin ko? Magpaubaya ako kay Raph at sa mga iba pa niyang servants? What the h*ck! Gusto kong umalis dito sa mansion na ito, mali yata ang naging pagpunta ko rito. Pero paano na kapag bumalik ako sa bahay? Baka patayin pa ako ni daddy kaya mas mabuti na lang siguro na mag-stay ako dito. Mas mabuti na siguro na dito muna ako manirahan sa piling ni tita. Dito mas ligtas ako mula sa mga kaibigan kong mga demonyo. ‘Yun nga lang, dito sa mansion mukhang ako ang gagawing demonyo ni tita dito. Kung ganoon ang plano sa akin ni tita, dapat sigurong makisama na lang ako sa kanya dahil nakikitira lang ako dito. Kapag nakuha ko na ang loob ni tita, doon ko na rin sisimulan ang paghingi sa kanya ng pambayad ko sa utang. Kabado ako habang umaakyat patungo sa kwarto ko, sigurado akong nandoon na si Raph at hinihintay lang ako. Ayaw ko rin naman na matanggal siya sa trabaho dahil mukha naman siyang mabait na tao. Alam kong mapagkakatiwalaan ko siya dahil magaan na ang loob ko sa kanya at kaibigan na ang tingin ko sa kanya kahit na mukha siyang mas matanda sa akin ng kaunti. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang hawak-hawak ko na ngayon ang doorknob. Pipihitin ko na lang ito para tuluyan na akong makapasok sa loob ng kwarto na kung saan kanina pa naghihintay si Raph. “Saan ka galing, boss?” Nagulat ako nang nasa likuran ko lang pala si Raph. Nauna pa pala akong umakyat sa kanya dito sa kwarto. “S-Sa baba, umihi lang. Bakit?”   “Wala lang, goodnight boss.” Aniya at saka tumalikod. “Teka sandali.” Sabi ko at napaharap ko ulit siya. “Matutulog ka na?” “Oo, boss bakit? May kailangan ka ba?” Ngumisi ako, “Oo, tabihan mo ako matulog. At masahehin mo ‘tong nasa harapan ko.” Lakas-loob kong sabi na ikinagulat niya. “Talaga?” gulat niyang tanong. “Oo, tara Raph.” Sabay inakbayan ko siya at sabay kaming pumasok sa kwarto. Sana tama ang naging desisyon ko. Ito ang unang beses na may ibang tao akong makakatabi sa kama at malala pa doon ay lalaki rin siya. Kailangan ko nang ihanda ang sarili ko. Kailangan kong sakyan ang mga plano ni tita upang sa ganon ay makuha ko ang loob niya at makabayad na ako ng utang sa mga tropa ko. Nauna na akong sumampa at nahiga sa kama. Tumihaya ako upang ipakita sa kanya ang bukol ko saharapan. Namangha siya dahil sa nakita niyang bakat sa harapan ko. Aaminin kong kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na may ibang makakahawak ng pag-aari ko at isa pa, kapwa ko lalaki ang unang makakadapo dito. Ako lang naman ang naglalaro sa sarili kong alaga noon kaya nakakaramdam ako ng pananabik dahil ibang tao na ang makakasapo nito. “Relax ka lang, boss. Ako ang bahala.” aniya habang dahan-dahang hinihimas ang natutulog ko pang alaga na ngayon ay unti-unti nang tumatayo at nagigising dahil sa ginagawang paghimas ni Raph. Paghimas pa lang ang ginagawa niya pero sobra na akong nag-iinit. Ganito pala ang pakiramdam ng may ibang taong humihimas sa iyong pag-aari. “Ang bata mo pa pero napakalaki nitong sa’yo. Mukhang kawawa ang magiging misis mo. Pero maswerte pa rin dahil sa ganda ng tindig, katawan at hitsura ninyo, boss.” pagpupuri niya sa akin ngunit walang salita na gustong lumabas sa bibig ko. Ang tanging ginagawa ko lang ay ang panoorin kung paano niya himasin ang naninigas kong alaga sa loob ng boxers ko. May kinuha siyang kung anong bagay sa loob ng bulsa niya. Nakahanda na pala ang lubricating oil na gagamitin niya sa ‘kin. Binuhos niya ang laman no’n sa boxers ko at patuloy niyang hinimas ang matigas kong bakat. Hindi pa ako nakahubo pero sarap na sarap na ako sa paghimas ni Raph. Napakagaling talaga ng kamay niya, kahit sino yata ay masasarapan sa kanyang haplos. Tumambad sa kanya ang alaga ko matapos niyang hubuin ang pang-ibaba ko. Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkagulat marahil ay sa laki na rin at taba ng pinakatinatago-tago ko. Muli niyang itong pinahiran ng lubricating oil at dahan-dahan na naman niyang pinaglaruan ang pagkalalaki ko gamit ang kanyang masasarap na palad. Wala akong nagawa kundi ang umungol nang mahina. Parehong kaba at pananabik ang nararamdaman ko ngayon pero mas nananaig pa rin ang pananabik at kasarapan sa ‘kin. Pawis na pawis na ako kaya hinubad ko ang pang-itaas ko. Napahawak ako sa dalawa kong utong at pinaglaruan ko rin ito habang pinaglalaruan ni Raph ang batuta ko. Ilang sandali pa ay tumigil siya sa paglalaro at pinahiran niya rin ang katawan ko. Sobrang dulas na ng buong katawan ko at malaya ko ng napaglalaruan ang utong ko na may kasamang lube. Pinagpatuloy na niya ang paglalaro sa akin kasabay ng paglalaro ko sa utong ko. Sobrang init na init na ako at gusto ko na ring magpalabas. Ilang araw na rin kasi akong hindi nakakapagsarili at sa tulong ni Raph mukhang marami na naman akong maipuputok. “Boss, may nakasubo na ba nito?” “H-Hah?” gulat kong tanong. “Gusto kong sulitin ang gabing ito, pa-welcome ko na rin sa’yo. Kung papayag kang subuin ko ‘tong sa’yo.” Hindi pa rin ako makapaniwala. Wala pa ring nakakasubo ng ari ko. Napalunok na lang ako sa sinabi niya. Hindi, hindi pwede. Sobra naman ata kung mapapahiran na ng ibang laway ang pinakaiingatan kong pag-aari. “Sige na, boss. Pumayag ka na. Ayokong mapa-alis dito.” pagpupumilit niya. “Ano ba kasi itong trabaho ninyo? Bakit kasama pati ang pagpaparaos sa ‘kin? Bisita lang naman ako dito. At saka bakit kayo pumapayag sa gusto ni tita Joy?” pagtatanong ko. “Boss, wala akong pinag-aralan. Dito na humantong ang kapalaran ko. Ang maging all around boy ni Ms. Joy, ng tita mo. Saka mabait ang tita Joy mo, malaki siya magpasahod kaya dapat lahat ng pabor niya ay masunod namin. Kung makikisama ka dito, boss. Matatapos din ‘yang problema mo.” Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na may problema ako? Tinanong ko iyon sa kanya. “Mayaman ang tita Joy mo, kaya isa lang ang naisip ko simula no’ng dumating ka dito. Pera, pera ang kailangan mo hindi ba? Iyon ang problema mo kaya ka lumayas sa inyo.” “Hindi, nagkakamali ka!” pagsisinungaling ko. “Umalis ka na dito, Raph. Lumabas ka na!” sigaw ko. Sinubukan niya pa akong pakalmahin ngunit hindi ako nagpatigil na paalisin siya ng kuwarto. Nang makalabas na siya ay dali-dali kong sinuot ang pang-ibaba ko. Pinagsasapak ko ang mga unan na nasa kama habang bumabagsak ang butil ng mga luha ko. Isang sampal sa akin ang katotohanan na nandito ako dahil sa pera. Nandito ako dahil tumakas ako sa mga kaibigan ko. Wala na akong choice kundi ang makisama dito dahil mapapatay talaga ako ni daddy kapag nalaman niyang may utang ako sa mga kaibigan ko. Ano’ng gagawin ko? Wala pa akong trabaho. Titigil na rin ako sa pag-aaral dahil wala na akong mukhang maipapakita sa mga tao. Wala, wala akong hiya. Tatanggapin ko na lang ang kapalaran ko. Magiging katulad ko si kuya Raph na hindi na nakapag-aral kaya naging taga-silbi na lang ni tita Joy. Pero ano kaya ang dahilan kung bakit hindi na nakapag-aral si kuya Raph? Lumabas ako para hagilapin ang kuwarto niya sa loob ng mansion. Naka-lock na halos lahat ng mga kuwartong nakikita ko doon. Bumaba ako sa kusina ngunit wala namang tao. Nakita kong nakabukas ang back door na papunta sa hardin kaya naman lumabas ako doon. Nakita ko si Raph na nakaupo malapit sa maliit pero magandang fountain. “K-Kuya Raph? Ikaw ba ‘yan?” tanong ko. Nilapitan ko pa ang taong nakita ko at tama ngang si kuya Raph ang nakita ko doon. Nakatulala lang siya habang pinapakiramdaman ang masarap na simoy ng hangin. “Pasensya na kanina, kuya Raph. Nabigla lang ako kanina.” “Ayos lang, boss.” matipid niyang sagot. “Ano palang ginagawa mo dito? Gabi na, ah. Ba’t hindi ka pa natutulog?” “Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Tumatambay ako dito tuwing gabi, masarap kasi ang hangin dito. Pasensya ka na rin kanina kung nabigla kita, hindi ko naman alam na first time mo palang mahawakan ng ibang tao. Sabagay, bata ka pa. Pero dapat mamulat ka na.” sabi ni kuya Raph. “Yung sinabi mo kanina. Bakit nga pala hindi ka na nakapag-aral?” tanong ko. Huminga siya ng malalim at seryosong napatingin sa akin. May hitsura din pala si kuya Raph. Hindi mo talaga aakalain na isa siyang house boy dahil sa ganda ng katawan niya. Mukha siyang model. “Mahabang istorya. Bukas ko sasabihin, sige na matulog ka na at baka magalit pa si Miss.” aniya habang naiwan akong nag-iisa sa fountain. Humiga na lang ako dahil sa sarap ng hangin. Nami-miss ko na ang pamilya ko lalong-lalo na ang mga kapatid ko. Kumusta na kaya sila? Hahanapin kaya nila ako bukas? Mahimbing ba silang natutulog? Alam na ba nilang naglayas ako? Napatingin ako sa mga talang nasa itaas. Kung maibabalik ko lang talaga ang lahat, hinding-hindi na ako magpapaka-adik sa sugal. Pero hindi, imposible nang mabalik pa ang lahat. Kung maibabalik ko man, tiyak kong mahihirapan. “Psst… Pogi, gising!” Nagising na lang ako na nasa tabi ng fountain. Kanina pa pala ako niyuyogyog ng isang lalaki dito na hindi pamilyar sa akin. Baka isa rin ito sa mga house boy ni tita Joy. “Bakit dito ka natulog? Ikaw si BH diba?” tanong niya. “BH?” kumunot ang noo ko. “Brethart? Tama ba? Ikaw ang pamangkin ni Miss?” sunod-sunod niyang tanong. “Oo ako nga, bakit? May problema ka?” Tumalikod siya sa akin. “Sungit naman nito. Ikaw nga kumausap diyan, pre.” sabi niya sa kasama pa niyang house boy. “Ah….Eh… Kumusta? Ako pala si Epoy, ‘yun namang kausap mong kanina ay si Erick. Bumalik ka na po sa kuwarto niyo sir at ipaghahanda ka na namin ng masarap na almusal.” Hindi ko siya pinakinggan. Tinignan ko ang paligid at iilang alagad din ni tita Joy ang nakita ko sa hardin. Mga lima sila lahat kasama na ang dalawang lalaki na nasa harapan ko. May hinahanap akong tao pero hindi ko naman mahagilap kaya agad ko itong tinanong sa kaharap ko. “Nasa’n si kuya Raph?” tanong ko. “Si Raph? Pre, si Raph daw.” tanong niya sa kasama niya, “Si Raph? Sino ‘yun? Ahh baka yung panggabi.” bulong niya kay Epoy pero rinig ko pa din. Humarap na sila sa akin. “Ah, Bret, ano kasi. Hindi namin kilala masyado yung mga panggabi dito sa mansion.” “Ah gano’n ba? Sige na, aakyat na ako sa kuwarto.” sabi ko at umalis na ako sa hardin na iyon. Ngayon ko lang nalaman na panggabi pala si kuya Raph dito kaya naman pala gising na gising siya kahit na madaling araw na. Pagkapasok ko sa kuwarto ay hindi ko inasahan na may lalaking natutulog. Nakakumot pa ito. Nilapitan ko siya at minukhaan. “Kuya Raph?” pagtawag ko pero mahimbing pa rin siyang natutulog sa loob ng kuwarto ko. Napansin ko na may mga in-can na alak sa tabi niya. Mukhang naglasing pa siya dito sa loob ng kuwarto ko. “Kuya Raph! Gising!” niyugyog ko siya nang malakas pero hindi pa rin siya nagigising. Ilang pagyugyog at paggising pa ang ginawa ko at sa wakas ay nagising na din siya. Naka-boxers lang siya at sando. Pansin kong may hangover pa rin siya matapos siyang maglasing. Unti-unti na siyang nagigising dahil napansin kong nakangiti siya sa sakin. “Boss, ikaw pala. Pasensya na.” pinilit niyang bumangon pero pinigilan ko siya. “May hangover ka pa. Magpahinga ka muna, gusto mo ng tubig?” “Hindi na, boss. Hindi niyo trabaho, yan.” Hindi ko siya pinakinggan at binigay ko sa kanya ang baon-baon kong tubig. “Oh, inumin mo.” “Salamat, boss. Nakakahiya, pasensya na talaga.” tumawa pa siya. “Bakit ka ba kasi naglasing? At dito pa talaga sa kuwarto ko, ah.” tumawa rin ako. “Ayoko pa kasi umuwi eh. At saka ayoko na rin umuwi, wala na akong uuwian.” “Saan ka ba nauwi?” tanong ko. “Minsan sa mga tropa, nakikitulog ako. Wala na akong bahay, ayoko na rin umupa kahit na marami akong pera. May bahay nga pero wala namang kasama. Mas okay pa dito, kasi makakasama kita.” ngumisi naman siya. “Huwag mo palang sabihin kay Miss Joy na dito ako natulog sa kuwarto mo, hayaan mo lang muna ako dito pakiusap, boss.” “Oo naman, hindi naman ito sa akin. Kay tita Joy naman itong kuwarto, nakikitira lang din ako. Wag ka mag-alala, kaibigan mo ako, kasama.” ngumisi rin ako. “Salamat, boss.” “Wag mo na akong tawaging boss, Bret na lang.” “Bret? Wag ‘yon, parang ambastos, eh.” natawa kami ng sabay. “Hart na lang ang itawag mo. Hindi ako ang boss mo dito. Pamangkin lang ako, bisita lang ako kaya hindi ako boss-” natigil ako sa pagsasalita nang yakapin niya ako. Hindi ako makapaniwalang humihikbi na pala si kuya Raph ngayon habang yakap-yakap niya ako. “Namimiss ko na yung mga kapatid ko, Hart. Nawalay na ako sa kanila simula no’ng lumayas ako sa amin.” aniya. “Kuya Raph, nandito naman ako. Pwede mo ako maging kapatid.” Hinarap niya ako at bigla akong hinalikan sa pisngi. Nagulat naman sa ginawa niya. “Pasensya na, ganyan ko kasi pinaparamdam na mahal ko ang kapatid ko.” aniya at ngumisi na lang ako. Mukhang mabuti naman palang tao si Raph. Unti-unti nang nabubuo ang tiwala ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD