Simula

1606 Words
Simula Note: Sa istoryang ito, 18 pa lang si Brethart. Sa blackmail season 2 kasi 21 na siya. So dito 18 pa lang. 18 years old. Sabi nila, ito na ang panahon kung saan legal ka na. Maaari ka nang makulong sa mga nagawa mong krimen dahil hindi ka na menor de edad. Oo, tama. Hindi ka na bata. Nasa tamang edad ka na at patungo ka na sa adult stage. This is the age at which a person takes on the rights and responsibilities of an adult. Oo, ni-google ko lang ‘yan. Pero para sa akin, ito na ang pinakamasayang stage sa buhay. Dahil malaya ka nang makakasama sa mga barkada mo pagdating sa inuman, galaan o kahit ano pang bagay. Syempre, madalas rin kaming nagpupunta sa casino kasama ang mga may kaya kong kaibigan at dahil doon… Nabaon ako sa utang. “Pre? Kailan mo balak magbayad?” siniko ako ng kaibigan kong si Howard. Magkatabi kami ngayon sa sofa namin habang naglalaro ng PS4. “Uh… Hindi ko pa alam. Pero magbabayad talaga ako pag nakapag-ipon na ako.” “18 kana pre. Magtrabaho ka kaya para may ipambayad ka sa akin. Utang-utang ka pa kasi, at malaking halaga pa talaga ang inutang mo sakin.” Napabuntong-hininga siya at ibinaba niya ang kanyang controller. “Sorry, pre. Titigilan ko na talaga ang pagpunta sa casino. Ayoko na.” ibinaba ko rin ang controller na hawak-hawak ko. Napasinghap ako habang iniisip kung paano ba ako makakabayad kay Howard. Nag-suggest ako kay Howard na baka pu-puwedeng ako na lang ang gagawa ng mga project, assignment, thesis at sasagot sa mga quizzes niya para kahit papano ay unti-unti akong makabayad sa utang ko sa kanya. Pero tumanggi ito sa plano ko. “Nah… Alam kong matalino ka at masipag pero it’s not the way para makabayad ka at makabawi sa akin.” Pabalik-balik siyang naglakad sa kwarto ko. Nag-iisip siguro siya ng paraan para makabawi ako sa mga naging utang ko sa kanya. “Ganito na lang.” napalinga-linga siya sa paligid. “Wala naman ang ibang tropa at tanging tayong dalawa lang dito sa kwarto niyo.” He said while grinning at me. Mukhang may binabalak na masama itong gagong ito. Napansin ko na gumapang ang mga kamay niya patungo sa kanyang harapan. May hinihimas siya doon at maya-maya ay gulat akong nakitang may umumbok sa parteng iyon. Napatayo ako at napasigaw sa kanya. “Hell no! Howard are you a gay? Cause I’m not a gay like you!” “Oh, c’mon Brethart. Trip-trip lang naman ito. Atin-atin lang at wala nang iba pang makaka-alam.” Hinawakan niya ang balikat ko pero mabilis ko itong inalis. “Get out! Get out!” sigaw ko, “Get out kung gusto mo pang lumabas ng buhay dito sa kwarto ko!” “Sige, sabi mo eh. Magsisisi ka, Bret. Sorry to say pero kailangan nang malaman ng mga parents mo ang utang mo sa akin para mabayaran mo ‘to kaagad. Bye!” Malakas na sinara ni Howard ang pinto. Ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Mukhang mapapatay yata ako nila dad at mom kapag nalaman nilang malaki ang utang ko kay Howard. Wala na akong magagawa ngayon. Hindi ko pwedeng tanggapin ang gustong mangyari ni Howard, coz I’m not gay! I’m not a f*****g gay! Kung gay man sila, ang mga tropa ko. Pwes, ako hindi. Ibahin nila ako. Nandidiri ako at nasusuka sa tuwing naririnig ko ang salitang “gay s*x”. Coz I’m not definitely a gay. I’m a straight. Hindi ako mapakali sa kwarto ko habang nag-iisip kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga ng pera. Wala naman akong trabaho, nag-aaral pa lang ako. Hindi rin ako pwedeng humingi ng ganoon sa mga parents ko dahil sigurado akong mapapatay nila ako. Kung hindi pwede sa parents ko, pwede siguro sa mga kamag-anak ko. Tama! Mabilis kong chinat sa Messenger ang tita ko, not definitely a Tita or Aunt. Because he is a gay! Pero ano pang magagawa ko? Siya lang ang kilala kong mayaman sa buong pamilya ng mga Roeland. Siya na lang ang mahihingan ng tulong ko. Kahit na isa siyang gay at kinamumuhian ko, kinausap ko pa rin siya para hingan ko ng tulong. Siya na lang ang malalapitan ko ngayon. Bukod sa mabait siyang tita, mapagbigay pa siya. Naalala ko noong maliit pa lang ako, lagi niya akong binibigyan ng mga regalo tuwing kaarawan ko o kaya nama’y pasko. Pero nanlamig ako sa kanya dahil binata na ako ngayon at alam niyang ayaw ko sa mga baklang katulad niya. “Bret? Bakit ka pa napa-chat?” “Ah, tita. Pwede ba ako diyan makituloy?” “Oo naman.” “Uh… Sige. Salamat tita, pero h’wag niyo pong sasabihin kay mom at dad na nakituloy ako sa inyo ah.” “Bakit? Maglalayas ka ba?” “Opo. Tita. May problema kasi. Bukas tita, nandyan na ako.” “Oo sige. Alam mo naman siguro yung bahay namin diba? Don’t worry welcome ka dito anyime. Ihahanda ko na ang magiging kwarto mo.” Sineen ko na ang huli niyang message at naghanda na akong iimpake ang mga gamit ko. Nilagay ko lahat sa malaking travel bag ang mga damit, school bag, at ang iba pang mga gadgets. Natulog ako ng gabi dahil madaling araw ako aalis. Sisiguraduhin kong walang makaka-alam sa gagawin kong paglayas. Gagawin ko ito para makalayo sa pamilya ko, alam kong magagalit sila sa akin dahil sa ginawa kong pag-utang ng malaking halaga sa kaibigan ko. Sigurado akong hindi nila ako mapapatawad at palalayasin din nila ako at the end kaya ito. Advance na ako mag-isip. 3:00 am nang gumising ako para maligo at magpa-pogi para naman ma-impress sa akin si tita pagdating ko sa kanyang mansion. Sa village lang naman siya nakatira pero mansion kasi ang tawag niya dahil napakalaki nito at napakaganda. Pero kahit kailan hindi pa ako nakakapasok sa loob nito. Pero ngayon ito na ang chance kong makapasok sa mansion ni tita. Minabuti kong ini-lock ang pinto bago ako lumabas ng kwarto para hindi nila ito mabuksan. Nasa akin pa rin ang susi at itinago ko ito sa maliit na wallet. Bye… Mom and Dad… I have to do this kasi alam kong hinding-hindi niyo ako mapapatawad. Sumakay ako ng taxi papunta sa village na kinaroroonan ni tita. Mabuti na lang at may 3,500 pa ako sa pitaka ko at tiyak kong nasa limang-daan lang ang magagastos ko dito sa taxi. “Kuya, sa Viva Village lang po ako.” Sabi ko. Kalahating oras lang ang naging biyahe at 500 ang binigay ko. Sobra pa nga pero ang sabi ko i-keep na lang niya dahil mabait naman akong tao. Ang kademonyohan ko lang talagang nagawa sa buhay ko ay yung umutang ako ng pagkalaki-laki sa kaibigan ko dahil lang sa kaadikan ko sa Casino. Hays, di na yun mauulit pa. Pagkadating ko sa gate ng Viva Village, may isang guard na humarang sa akin. Pinakita ko naman ang mga valid I.D ko pero hindi pa rin ako pinapasok. “Sorry sir pero hindi ka pwede rito.” Aniya. “Paanong hindi pwede? Dati lagi naman akong nakakapasok rito basta’t pinapakita ko lang ang I.D ko?” pagsisinungaling ko. “Yun na nga. Baka pwedeng ipakita mo rin yan.” Tinignan niya ang harapan ko. “Bilis, madaling araw pa naman. Walang makakakita.” “What! Hindi mo ba alam na tiyahin ko lang naman ang may-ari ng may pinakamalaking mansion diyan sa loob? Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at mabilis siyang napayuko. “Ay sorry po boss. Sorry po boss, Brethart.” “Malilibog din pala kayong mga guwardiya?” tumawa ako. “Sorry, pero hindi ako pumapatol. Lalo na sa kapwa ko lalake.” Dumiretso na ako sa loob ng village at iniwan ko siyang mag-isa doon na nakayuko. Malamig ang simoy ng hangin dito sa loob dahil puro mga puno sa paligid. Ito na yata ang simbolo ng good vibes. Sana maging good vibes ang pagpasok ko sa bahay nila tita. Ipapangako ko sa sarili ko na magtitino na ako. Mag-aaral ako ng mabuti kesa sa unahin ang walang kwentang pagsusugal. “Ding…Dong…” Pinindot ko ang doorbell na nasa tapat ng malaking bahay ni tita, or should I say… Mansion… Sana may gising pang tao dito sa bahay nila. Ilan kaya ang nakatira dito? Siguro maraming lalaki rito sa loob dahil alam niyo na… Bakla si tita. Tinatawag ko siyang tita bilang respeto na rin sa kanya. “Welcome!” sabi ng babaeng nagbukas ng pinto. “S-Sino po kayo?” napakunot ang noo ko dahil sa hindi pamilyar na babaeng ito. Napakaganda niya at hindi ko akalaing may babae rito sa bahay ni tita. Lalake na ba siya? Straight na ba siya? “Sino pa ba? Edi ang tita mo. I’m your tita Joy.” Malandi niyang pagkasabi. “WHAT! Bakit-“ “Yes, my darling. Gandang-ganda ka ba sa tita mo? Ang tagal na nating hindi nagkita.” Pagputol niya sa sasabihin ko habang hinihimas niya ang pisnge ko. “Lika, pasok ka.” Pumasok ako sa loob at kitang-kita ko ang ganda ng kanyang napakalaking bahay. Napa-O ang bibig sa ganda ng mga nakikita ko sa loob.= “Welcome to hell.” Mahina niyang pagkasabi pero hindi ko na lang iyon pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD