CHAPTER 12 SAFARA POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Mabuti na lamang at hindi hinahanap ng mga anak ko ang kanilang tunay na ama, dahil wala akong maisasagot sa kanilang tanong kung sakali. "Safara, ikaw na muna ang makipag-meet kay Neo, kailangan ko kasing i-meet ang isa sa investor ng Cleistein Company." ani Kezz ng tumabi sa akin. Naglalaro ang mga bata sa harap namin. Parang nanuyo ang aking laway dahil sa sinabi niya. "Bakit ako? Kezz, you know my past with him, right? Tapos gusto mo ako ang makipag-meet doon? He is my Ex-husband!" "Ex. Love, he is your ex." "Hindi ka ba natatakot? Nangangamba?" "Bakit naman? May tiwala ako sayo. Alam kong hindi mo ako ipagpapalit sa kaniya. Makikipag-usap ka lang naman. 'yun lang tapos wala na. Maging professional ka lang, Love. Just like

