Chapter 9

3712 Words

CHAPTER 9 SAFARA POV "Neo lumabas ka ryan! Mag usap tayo! Kailangan kitang maka usap!" Naalimpungatan ako dahil sa malakas na pagkalabog ng gate sa labas at sa sigaw ng isang babae. "Neo kausapin mo ako lumabas ka ryan! May kailangan kang malaman!" Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata. Ramdam ko pa ang hapdi sa buong katawan ko, lalo na ang parteng ibaba dahil sa ginawa namin ni Neo kagabi. Umupo ako sa kama. "Neo ano ba! Sabi ng lumabas ka ryan at kausapin mo ako!" Patuloy ang pagkalabog sa gate namin at pagtunog ng doorbell. Boses iyon ni Mara. Ano naman kaya ang ginagawa niyon dito? Tapos na ba siya kay daddy? Hindi ba niya matanggap na hiniwalayan na siya ni Neo? Nagsimula akong magbihis. Hindi ko ininda ang hitsura ko kahit bagong gising pa lamang. Tumayo ako sa kama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD