KULAY violet na dress na may plunging neckline ang suot ko ng gabing iyon. Kanina ay nilagyan din ako ng make-up ng babaeng nakita ko kanina dito sa dressing room para naman daw gumanda ako kahit papaano pero hindi naman ako nadagdagan ng ganda. Sa palagay ko nga ay mas lalo pa akong pumanget. `Andito pa rin ako sa dressing room ng bahay-aliwan ni Ate Charming. Ako na lang mag-isa dito at kanina pa ako nakaharap sa malaking salamin habang taimtim na nagdadasal. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung tama ba o mali ang gagawin kong ito. Gustuhin ko man na umatras ay huli na, nandito na ako. Iniisip ko na lang na gagawin ko ito para sa pag-ibig ko kay Charles. Dito nakasalalay ang pagkakaroon ko ng happy ending, `no. Napapitlag ako mula sa pagkakatulala nang biglang pumasok si Ate Ch

