NAG-AYOS ako ng husto bago ako pumunta sa bahay ni Charles. Bumili pa talaga ako ng bagong dress sa mall at nagpaayos ng buhok sa parlor para lang sa araw na ito. Excited na kinakabahan ako sa pagkikita naming muli ni Charles. Excited kasi hindi ko na kailangang magsinungaling sa kanya sa tunay kong hitsura dahil sa maganda na ako ngayon. Kinakabahan kasi paano kung makahalata siya na nagpagawa ako ng mukha? Nakakatakot kung malalaman niya iyon, `di ba? Ngayon ay nasa harap na ako ng bahay ni Charles. Nagdadalawang-isip pa rin ako kung pipindutin ko na ba ang doorbell o hindi. Sabagay, hindi ko naman malalaman kung ano ang mangyayari kung hindi ako magpapakita sa kanya. Saka, bakit ba ako nag-a-assume na magkikita kami ngayon, eh, hindi ko pa nga sigurado kung `andito na ba siya sa bahay

