CHAPTER 11

1185 Words

AYOKO na. Ayoko na talaga. Hindi na ako magmamahal pa kahit kailan. Dapat noon ko pa ito itinigil, eh. Hindi na dapat ako nag-iilusyon na may isang lalaki na iibigin ako nang tunay sa kabila ng pagiging panget ko. Simula ngayon, tatanggapin ko na ang katotohanan na walang lalaki na magmamahal sa akin. Magpapaka-loner na lang ako. As in, forever. Masyado nang maraming lalaki ang sinaktan ako dahil sa hitsura ko. Hindi na ako makakapayag na masundan pa iyon. “Oh, Ruth, kumusta iyong ibinigay ko sa iyong chatmate? Okey ba? Nagkita na ba kayo?” sunud-sunod na tanong sa akin ni Dionisia habang nag-ne-nail cutter siya sa kanyang higaan. Habang ako naman ay nakahiga sa itaas ng double bed. “Dionisia... na-appreciate ko naman ang effort mo na ihanap ako ng lalaki pero sana huli na si `hunkguy69’

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD