MATAPOS masabi sa akin ni Manang Georgia ang mga kailangan kong gawin bilang katulong sa bahay ni Sir Charles ay umalis na rin siya. Sa dati niyang kwarto na kalapit lang ng kwarto ni Sir Charles ang ibinigay nilang silid para sa akin. Ayon kay Manang Georgia ay puro fruits and vegetables lang daw ang ipapakain ko kay Sir Charles. Vegetarian daw kasi ito. Tinuruan din niya ako kung paano gumawa ng favorite na vegetable salad ng aking gwapong amo. Gustung-gusto rin daw nito na maglakad sa park tuwing umaga kaya kailangan ko itong samahan. Ako daw ang magiging mata nito dahil sa hindi ito nakakakita. Pagkatapos kong maiayos ang lahat ng aking gamit sa aking bagong kwarto ay lumabas na ako upang tingnan kung ano ang dapat kong gawin sa labas. Ang pangit naman na makikita ako ni Sir Charles

