“RUTH, sa palagay mo may babae pang magmamahal sa akin kahit na bulag ako?” Natigilan ako sa pagpupunas ng mga malilit na pigurin na nasa salas sa tanong na iyon ni Sir Charles. Nakaupo lang siya sa sofa at nakatingin sa kawalan. Bakit naman naitanong ni Sir Charles ang ganoon? Ah, alam ko na. Siguro ay mababa na ang tingin niya sa kanyang sarili dahil sa bulag na siya. Ngumiti ako sabay titig sa kanya. “Oo naman po, Sir Charles. Mabait naman po kayo sa gwapo. Kaya sigurado ako na may magkakagusto po sa inyo. Kung iniisip niyo po na kabawasan sa pagiging lalaki niyo na bulag kayo, nagkakamali kayo, sir. Meron nga diyan na mga lalaki na hindi bulag pero kung makapanakit naman ng damdamin ng babae ay grabe!” sagot ko at ipinagpatuloy ko na ulit ang pagpupunas. Ang lalim ng hugot ko doon, ah

