WTMMFI: KABANATA 2

1229 Words

CHAPTER 2 CONFUSED “ARGH! NAKAKAINIS!” Napasabunot ako sa aking buhok nang maalala ko ang ginawa ni Bam sa akin kahapon. Nakakainis ka Bam Roger Reyes! Salot ka talaga sa tahimik kong buhay! Napatigil ako sa aking pagsabunot sa aking buhok nang may kumatok sa aking kwarto. “Sis, gising ka na ba? Nasa labas ang ka ibigan mo, sabay na raw kayo pumasok.” Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Ate sa labas ng aking kwarto. Kaibigan? Sino naman kaya? Kristine? Ailyn? O si Ella?Aish! bahala na nga. “Opo! Paki sabi na lang na maliligo lang ako.” Ang aga naman kasi akong sunduin dito eh 6 AM pa nga lang eh. Dali-dali akong pumasok sa Cr at naligo na. Lumabas na ako sa aking kwarto at bumaba na sa hagdan namin dito sa bahay nang matapos na akong maligo at magbihis. Napakunot ang noo ko nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD