CHAPTER 3 BACKOFF “Sis, gumising ka na diyan! Kanina pa naghihintay ang boyfriend mo sa baba!” sigaw ni Ate galing sa labas ng aking kwarto. Atomatiko akong napa bangon sa sinabi ni ate Sandy. BOYFRIEND? May boyfriend ba ako? Wala naman ah. Wala kaya akong boy— “Be my girlfriend.” Waah! s**t, bakit bigla ko ‘yun nakalimutan?! Argh! anong gagawin ko? Paniguradong si Bam ang naghihintay sa akin sa baba. Bakit ba kasi ako ginaganito ni Bam! Wala naman akong ginawang mali eh. Inis akong tumayo sa kama ko at pumunta sa cr upang makaligo. -- “Anong ginagawa mo dito?” Inis kong sabi habang nakatingin kay Bam na nakangising nakaupo sa couch namin. “Oh! Hi, girlfriend ko! Ang ganda mo naman ngayon.” Napaiwas ako ng tingin. Anong bang pinagsasabi ng Roger na ‘to.. “Uy! Ang girlfriend ko…

