CHAPTER 4 “She’s already mine, Dude. So back off and find yours!” Gulat akong napatingin kay Bam nang sabihin niya iyon kay Cedie. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? “Hindi ko naman aagawin ang girlfriend mo, Dude… basta ‘wag mo lang siyang sasaktan,” nakangising sabi ni Cedie kay Bam. Sumulyap sa akin si Cedie at kinindatan niya ako. Napakurap-kurap ako sa aking mga mata at nagulat din ako sa kanyang sinabi. “Nice to meet you again, Yana. Bye!” sabi ni Cedie at umalis na. “Tsk! Bakit ka ba nakikipag usap sa pangit na iyon?” inis na tanong ni Bam. Humarap ako sa kanya. Tinignan ko siya ng masama at inalis ang pag braso niya na nakaakbay sa akin. “Bakit? Bawal na ba akong makipag usap sa ibang mga lalaki?!” Tanong ko at tinaasan siya ng kilay. “Oo! Bawal talaga!” “So, ako ba

