WTMMFI: KABANATA 5

1811 Words

CHAPTER 5 SELOSONG BAM “Uy, loves ko… pansinin mo naman ako oh! Please, kanina pa ako rito. Gusto mo ba akong umiyak?” pangungulit sa akin ni Bam Roger. Muli akong napairap at hindi ko ulit siya pinansin. Nagpatuloy ako sa aking pagkain ngayon. Bahala siya sa buhay niya. Kahit lumuhod pa siya diyan—hindi ko siya papansinin! “Loves naman!” maktol niya. “Hoy, Rhianna Park! Pansinin mo na nga itong si Bam. Kanina pa ‘to oh?” sabi naman ni Kristine. “Oo nga, kawawa naman ‘to at hindi mo pinapansin! LQ lang ang peg?” wika ni Ailyn. “Nako, sige ka, baka maghanap ‘to ng ibang babae si Bam!” sabi naman ni Ella. Napairap naman ako sa mga sinabi ng aking mga kaibigan. Nakahanap na nga ‘yan ng ibang babae eh.. Jane ang pangalan. Tsk! Ipinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD