EPISODE 2

789 Words
EPISODE 2 PATRICIA “I hate him! He’s arrogant and feeling superior! Aira, you said that he likes me! Bakit parang hindi naman?!” Katatapos lang ng photoshoot ko kung saan si Kyle ang photographer. Ginawa ko ang lahat ng mga sexy poses para lang maakit siya pero kahit anong gawin ko ay hindi ko makita sa kanyang mga mata na nagnanasa siya sa akin, na naaakit siya sa aking ginagawa—wala! He’s cold at palagi niya pa akong kinukwestyon sa mga pose na ginagawa ko. “Wala ka na bang maisip na pose?” “Kanina ka pa pabalik-balik sa ganyan na pose, Miss Patricia. Akala ko ba isa kang international model? Ipakita mo kung gaano ka kagaling.” Kung anu-ano na lang ang sinabi niya sa akin at kahit maganda na ang pose ko, pinupuna niya pa rin! Argh! I hate him so much! He’s getting on my nerves. Ano pa bang gagawin ko ah?! Kulang na nga lang kumandong ako sa kanya, o hindi naman ay hubarin ko sa kanyang harapan ang suot ko na bikini kanina. Bwisit! Bwisit talaga ang Kyle Bryan Hernandez na iyon! “Patricia, nayupi mo na ang mineral water na hawak mo.” Natigil ako sa aking pag-iisip at napatingin sa hawak ko na tubig. Totoo nga ang sinabi ni Aira, nayupi ko na ito sa sobrang galit ko kay Kyle. Tinignan ko ang aking kaibigan ng seryoso at nagtanong sa kanya. “Diba ikaw ang may sabi na may gusto sa akin si Kyle?!” tanong ko. Ngumiwi si Aira na para bang nagdadalawang isip na sagutin ang tanong ko. “H-Huh? Oo—iyon kasi ang narinig ko sa tsismis! Maganda ka naman at sexy, kaya possible na magkagusto siya sayo, Patricia,” sambit ni Aira at nagkamot siya sa kanyang ulo. Nanggagalaiti ako sa galit ngayon at gustong-gusto ko sabunutan si Aira pero hindi ko magawa kasi matalik ko siyang kaibigan. Pasalamat talaga siya at mabait ako sa kanya. “Sa susunod, huwag ka nang magsabi ng fake news sa akin, okay?!” sabi ko sa kanya at nag walkout na. Umuwi na ako sa aking condo unit. Pero kahit nakauwi na ako, laman pa rin ng isipan ko si Kyle. Argh! Ano bang ginawa ng lalaking ‘yun sa akin at inis na inis ako sa kanya? May nagtutulak sa akin na guluhin ko si Kyle dahil ginulo niya rin ang buhay at utak ko. Pagkatapos kong maligo, kinuha ko ang aking phone at napagpasyahan kong tawagan si Aira kahit bwisit na bwisit ako sa kanya kanina. “Yes, Patty? May kailangan ka ba sa akin?” tanong niya ng masagot ang aking tawag. Napaupo ako sa gilid ng aking kama at sinuklay ang aking basa na buhok. “Yes, Aira. May iuutos ako sayo ngayon, para naman makabawi ka sa fake news na pinagkalat mo sa akin.” “Hala! Patricia naman eh! Sorry na nga diba? Malay ko bang maapektuhan ka talaga sa sinabi ko sayo na gusto ka ni Kyle.” Napapikit ako sa aking mga mata at bahagya kong hinilot ang aking sintido. Ayan na naman, binanggit na naman ang pangalan niya! “Stop mentioning his name, please!” Bahagyang natigilan si Aira sa kabilang linya. Narinig ko ang kanyang pag buntong-hininga bago magsalita. “O—kay…. So, ano ang gusto mong ipagawa sa akin?” she asked me. Napakagat ako sa aking labi bago ko sabihin sa kanya ang kanina ko pa iniisip. “Gusto ko na malaman mo kung nasaan nakatira ngayon si Kyle Bryan Hernandez, Aira. Kung sa isang condo unit man, I want you to buy or rent sa unit na malapit lang sa unit ni Kyle. Inshort, kailangan kong maging kapitbahay si Kyle.” Napasinghap si Aira sa kabilang linya. “P-Patricia! Ano na naman ‘yan pinaplano mo? Akala ko ba ayaw mo nang marinig ang pangalan ni Kyle?” tanong niya sa akin habang naguguluhan. Ngumisi ako at bumuntong-hininga. “Yes, ayoko ngang marinig ang boses niya—pero wala akong sinabi na ayoko siyang maging kapitbahay, Aira. Gawin mo ang inuutos ko at gusto ko na next week…. Maging magkapitbahay na kaming dalawa ng Kyle Bryan Hernandez na iyon.” Ang kapal ng pagmumukha niya para hindi maakit sa kagandahan at kasexy-han ko?! Well, ngayon ay tingnan lang natin. Hindi ka na makakatakas sa akin, Kyle. Mababaliw ka rin sa akin. Tingnan lang natin kung hanggang saan iyang katigasan mo sa ulo—lalambot ka rin sa akin. Lahat ng lalaki ay naaakit sa akin at alam kong ganun din ang mangyayari kay Kyle. Not now, but soon. You will be mine, Kyle Bryan Hernandez. What Patricia wants, Patricia gets. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD