"INAY, aalis na po muna ako. Magkikita po kami ngayon ni Coult at ipapakilala na niya ako sa Daddy niya," pagpapaalam ni Mayella sa kaniyang ina
Kahit hindi nagsasalita ang inay niya at palaging tulala ay palagi niya itong kinukuwentuhan ng mga nangyayari sa kaniya. Hindi rin niya inilihim dito ang relasyon na mayroon siya sa anak ng dati nitong amo ngayon. Sapagkat hindi niya kayang maglihim sa ina ng mga panyayari sa kaniyang buhay. Sapagkat hindi ito ganoon sa kaniya noong ayos pa ang kalagayan nito.
Alam ni Mayella na kahit hindi ito sumasagot sa kaniya ay nauunawaan pa rin naman siya ng ina nito. Inabot niya ang isang kamay nang ina at mahigpit na hinawakan iyon at diretso tiningnan sa mga mata iyon kahit sa ibang panig ito nakatingin.
"Huwag kang mag-alala 'Nay kapag may sapat na po akong ipon, maipapagamot ko na po kayong talaga sa pinaka magaling na espesyalista. Para po tuluyan na kayong gumaling," wika ni Mayella sa ina na tumingin naman na sa kaniya, ngunit nanatili naman na walang emosyon sa mukha. Kapag ganoon ang ina ay isa it on sa mga nagpapahirap sa kaniyang damdamin. Iyong tiningnan nga siya pero wala naman emosiyon na mababanaag doon.
"Tsaka isa pa makikilala ko na po ng personal si Don Arnulfo Pineda Inay, at maaari nang masagot ang matagal ko ng katanungan sa kalagayan ninyo. Iyon naman talaga ang gusto ko mangyari, eh." Tulad ng inaasahan wala siyang nakuhang sagot o kahit man lang kaunting pagkilos mula rito pero matiim naman ang pagkakatingin sa kaniya ngayon.
"Alam mo 'nay, mahal na mahal ko po kayo, kaya lahat handa ko'ng gawin para sa iyo. Wala po akong ibang nais na hangad kung 'di ang bumalik na po kayo sa dati. Nami-miss ko na po 'yon dating kayo, kaya bimalik ka na 'Nay." Mahigpit niyang niyakap ang ina na katabi lang niya habang nananatiling nakatingin sa kaniya.
"Ang lahat ng ginagawa ko po para iyan sa inyo, tandaan po sana ninyo iyan 'nay." May namumuong luha sa gilid ng kaniyang mata, pero hindi hinayaan ni Mayella na bumagsak iyon sapagkat ayaw niyang makita ng ina iyon at isipin nito na mahina siya. Hangga't maaari ay ayaw niyang ipakita sa inang mahina siya. Gusto niyang maiparamdam rito na matapang siya.
Nitong mga nakalipas na araw ay nakitaan na niya ang ina ng kaunting pagbabago at natutuwa siya roon. Pero hindi pa rin sapat iyon sa kaniya para magbago na ang kaniyang plano na ipakonsulta pa rin ang ina.
"Tara na po 'Nay." Muling aya ni Mayella. Tangka na niya sanang akayin ang ina para alalayan ito sa pagtayo pero hindi man lang ito natinag sa pagkakaupo. Bigla siyang nanibago sa ikinilos nito sapagkat dati-rati naman ay madali lamang niya kung mahimok ito.
Ngayon lamang kasi ito hindi kumilos kapag aalalayan niya sa pagtayo. Nanatili pa rin itong walang tinag o galaw sa pagkakaupo tinabig pa nga ang kamay niyang nakahawak dito.
"Inay, tara na po, dadalhin ko na po muna kayo kina Tita Jho," muli niyang aya sa ina. "Ayaw niyo po ba na dalhin ko na kayo roon?"
Plano na sana muna niya na ihatid ang ina sa bahay ng kaniyang Tita para may titingin nga muna rito habang wala siya dahil iba pa rin kasi kung may kasama ito. "'Nay, tara na po, ihahatid ko na po kayo kina Tita Jho, para may titingin po muna sa inyo roon habang wala ako." Muli na naman aya sa ina at muli niyang tinangka na itayo ito sa pagkakaupo pero ayaw talaga nitong kumilos at tila talagang sinasadyang tigasan ang katawan para hindi rin niya mapuwersa sa pagtayo.
Tiningnan niya ang mukha ng ina at umaasang sa ekspresyon niyon ay may makuha siyang sagot sa ikinikilos nito ngayon, ngunit wala pa rin naman.
Tumingin si Mayella sa relong suot upang alamin kung anong oras na. Ayaw pa naman nitong pinaghihintay nang matagal si Coult sa kanilang tagpuan kung saan siya nito susunduin. Pero sa dating ng ina ngayon tangap na niyang mapaghihintay niya ang nobyo sa kanilang tagpuan.
Mahalaga para sa kaniya ang araw na ito at hindi siya maaaring hindi tumuloy kahit ramdam niya na tila tutol ang kaniyang inay sa kaniyang pag-alis.
"Inay, aalis na po ako talaga, baka po nasa Bayan na si Coult at naghihintay na sa akin roon. Dadaan na lang po ako kina Tita Jho, para ibilin ka po." Nagmano muna si Mayella sa kamay ng ina bago tuluyan lumabas ng kanilang bahay.
Nagpasya nga siyang dumaan na muna sa Tita Jho niya na kapatid ng kaniyang itay para ibilin na lamang ang ina bago tuluyang umalis.
SA harap nang pag-aari din nilang Super Market nakaparada ang kotseng dala ni Coult. Dito ang usapan nila ng girlfriend na si Mayella magkikita. Pupunta sila sa isa sa pag-aari din nilang resort sa may bandang Angeles, City.
Doon ang sinabi ng kaniyang Daddy na dalhin si Mayella para ipakilala rito nang personal. Isa siya sa tagapagmana ng mga negosyo nila na pinamamahalaan ng ama.
Noong nakaraang taon lamang siya umuwi rito sa bayan nila sapagkat sa America siya nagpatuloy sa pag-aaral at doon na nga nakatapos at kumuha ng Master's Degree. Ang kaniyang Mommy ang kasama niya roon.
Kinailangan na niyang bumalik rito sapagkat kung hindi niya iyon gagawin ay nanganganib na mapunta sa iba ang dapat na para sa kaniya talaga. Hindi siya makapapayag dahil ang sa kaniya ay sa kaniya lamang.
Si Mayella ang babaeng sa unang kita pa lang niya ay may kakaiba na siyang naramdaman dito. Hinding-hindi niya makakalimutan ang unang araw na makita ito mula sa malayo. Kung paano sila pinagtagpo muli at higit sa lahat sa kung paano ba nagsimula ang lahat sa kanilang relasyon. At paanong umabot sa hinangad na ng Daddy niya na makilala na ito kahit halos limang buwan pa lang naman ang lihim na relasyon nila ni Mayella.
Kung siya ang tatanungin ay ayaw pa niyang ipakilala ito sa Ama kahit alam na nito ang relasyon niya sa dalaga. Dahil tulad ng Daddy niya na may dahilan sa pagnanais nito na makilala ang kasingtahan, ay mayroon din siyang pansariling dahilan.
Para sa kaniya ay hindi pa ito ang tamang panahon para ipakilala ito sa Ama dahil masiyado pang maaga. Pero kapag ang pagiging isa na niyang Pineda ang palagi nitong ipinagdidiinan sa kaniya ng ama, hindi man niya gusto ay kailangan niyang sumunod lalo na at may sinasabi ito na alas na hawak na maaring sumira raw sa relasyon na mayroon sila ni Mayella.
Kung ano man iyon ay hindi niya pa alam pero nakakatitiyak siyang sasabihin sa kaniya iyon ng ama sapagkat iyon ang sabi nito sa kaniya. Kung hindi man eh, 'di aalamin niya na lamang kung ano man iyon. At dahil nakasalalay ang pagiging isa niyang Pineda at ang personal niyang dahilan kaya pumayag na rin siya sa Ama.
Alam niya kasi na malaki ang magiging pagbabago ng pagiging open ng relasyon nila ni Mayella sa kanilang mga kanayon. Mga plano niya at hangarin niyang talaga sa pagbabalik Pilipinas.
Ang alas na hawak ng Ama ay hindi niya gugustuhin na malaman ni Mayella kung mayroon ngang hawak talaga ang Ama. Kung ano man iyon sapagkat hindi niya papayangang iyon ang sumira sa kanilang relasiyon. Sapagkat ramdam niya kung gaano siya nito kamahal, ganoon din naman siya rito hindi rin naman niya gugustuhin ang magkaroon ng galit kahit kaunti sa kaniya si Mayella. Iwas na iwas nga siya kahit man lang ang magtampo ito sa kaniya sapagkat hindi niya kayang makitang nagtatampo ito sa kaniya.
Ayaw rin niya na dumating sa punto na magkaroon ng dahilan ang kasingtahan na makapagbibigay rito ng kahit na anong dahilan para magalit ito sa kaniya.
Sinipat niya ang relong suot para alamin ang oras. Huli na ng kinse minutos ang nobya sa takdang usapan. Marahil ay hindi ito agad nakaalis dahil sa sitwasyon ng ina nito. Hindi kasi lingid sa kaniya ang kalagayan ng ina ng nobya. Ganoon pa man ay hindi iyon naging hadlang para sa kanilang relasyon sapagkat naging bukas naman ito sa kaniya.
Habang hinihintay pa ang kasingtahan ay sinariwa niya sa kaniyang isipan ang simula ng lahat kung bakit siya nandirito at kung paano niya napaibig ang isang Mayella Pascual. Isang pagbabalik tanaw na gustong-gusto niyang binabalikan sa parte ng simula nila ni Mayella. Na para sa kaniya ay isang magandang ala-ala na nakapaloob sa kaniyang puso at isipan.