HAIDE "Mamita good afternoon po!" Bati ko kay Mamita pagpasok namin ni Diego sa bahay. Nagmano at humalik ako sa kanyang pisnge ganun din si Diego. Pagkatapos umupo kami sa kanyang tabi. "Apo kamusta ang unang araw ng klasi mo? May mga nakilala ka na ba na bagong mga kaibigan? Maayos ba ang mga professor mo? Kapag may nang away sa'yo sabihin mo kaagad kay Diego kahit sa akin." Saad ni Mamita nang tumabi kami sa kanya. Nakaabang na siya sa amin dito sa sala. Habang umiinum ng kanyang tea. Alas singko ng hapon pa lang, kaya mamaya nalang kami aakyat para magbihis. "Okay naman po Mamita. May apat na po ako'ng ka-klasi na nakilala. Nakilala na kanina ni Diego ang tatlo. Si Randy hindi pa nakilala ni Diego. Nauna Kmkasi siyang umalis sa amin." Ani ko kay Mamita. "Randy?" Naka kunot noo n

