HAIDE 187 "Welcome back homeKuya Miguel, Ate Eden." Bati ko kay Kuya Miguel at Ate Eden paglabas nila ng airport. Magkasunod silang dalawa naglalakad palabas. Napansin ko na parang hindi sila nagkikibuan. "Welcome back home Miguel, Eden." Bati din ni Diego sa kanila. Nauna silang umuwi dahil okay na ang kamay ni Kuya Miguel. Saka sobrang miss na daw ni Nanay Luzviminda at Tatay Lando si Miguel. Sa susunod na araw Ang dating ni Tatay, Nanay, Lolo, Lola at Mara. Susunod naman si Tom, Albert, Rose at Rina "Maraming salamat Haide, Diego." Magkasabay na sagot nila sa amin. Lumapit ako kay Ate Eden at niyakap siya. Niyakap niya din ako pabalik. Nagkamayan naman si Kuya Miguel at Diego. "Na-miss kita Haide at ang triplets. Kamusta kayo? Lalo ka'ng gumaganda. Alagang-alaga." Nakangiti na s

