HAIDE Nagising ako sa sinag ng araw mula sa bintana. Pagmulat ng aking mata duon ko lang naalala ang lahat. Ang nangyari sa amin kagabi ni Diego. Tiningnan ko kaagad ang aking daliri kung may sing-sing nga ba ako? Nang makita ko napangiti ako dahil hindi ako nanaginip kagabi. Totoo na niyaya ako ni Diego magpakasal. Napansin ko din na nakasuot lamang ako ng malaking t-shirt na alam ko sa kanya ito. Nilibot ng aking mata ang loob ng kwarto ngunit mag-isa lamang ako. Pagtingin ko sa orasan na naka dikit sa ding-ding, lumaki ang aking mata dahil alas dies na ng umaga. Nakaramdam ako na parang maiihi ako. Akmang babangon sana ako ngunit sobrang sakit ng buo kong katawan lalo na ang aking gitna. Napapikit ako sa sobrang sakit. Parang binugbog ako ng isang daang ka tao. "Ganito ba talaga ka

