HAIDE "Maraming salamat sa inyong lahat. Sobrang nakahihiya na talaga. Pasensya dahil malaking abala ako sa inyo. Pasensya kung nagka ganito ako. Pati kayo nahirapan." Wika ni Ate Jessa. Isang linggo mula nakalabas si Ate Jessa sa ospital. Nandito kami sa kanilang bahay sa likod lang ng mansyon ni Mamita. Sinamahan muna namin siya dahil may inasikaso si Kuya Romnick. O mas tamang sabihin na inaasikaso ni Kuya ang kasal nila mamaya ni Ate Jessa. Naghahanda sila ngayon kasama ng mga partner ng mga Ate ko at si Diego. Diyan lang naman sila ikakasal sa bakuran. Hindi alam ni Ate Jessa na ikakasal na siya mamaya. Iniwan ko muna ang aming triplets kay Nanay Greta at Nanay Consing. Pagkatapos paliguan ni Kuya Romnick si Ate Jessa tinawagan niya ako upang sabihin na pwedi na kami makapunta sa ka

