HAIDE Pagdating namin sa ospital paglabas ni Diego sa sasakyan marami ang nakatingin sa kanya. Karamiham mga kababaihan, nakaramdam ako ng inis. Parang gusto ko'ng lapitan ang mga babae upang tusukin ang kanilang mga mata. "Honey, let's go." Yaya sa akin ni Diego nang pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hinawakan niya ako sa kain kamay at baywang palabas ng sasakyan. Inirapan ko ang mga babae na nakatingin sa amin o mas tamang sabihin nakatingin lamang kay Diego. "Honey nakita ko 'yun. I like it honey! Alam ko na, kahit galit ka sa akin. Alam ko na nagseselos ka pa rin. But don't worry hon. Sa'yong sa'yo lang ako honey." Bulong ni Diego malapit sa aking tainga. Dinilaan niya pa ang aking leeg. Kaya pakiramdam ko nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. May kung anong init akong nar

