HAIDE "Na-miss kita Haide. Mas lalo ka'ng gumanda. Kapag malaman ng mga kasamahan natin nuon na nagta-trabaho sa tubuhan na nandito ka, nako pupunta ang mga iyan dito. Alam mo ba? na kapag walang trabaho, pumupunta sila dito para tulungan ako maglinis? Kahit sa paglilinis lang daw nila makabawi sila sa mga tulong na binigay niyo sa kanila." Masayang pag kwento ni Aling Pacing sa amin. Nakaupo na kami sa mesa habang naghahanda siya ng hapunan namin. Gusto ko nga sanang tumulong pero sabi niya, siya nalang dahil pagod kami sa byahe. Kaya hinayaan ko nalang. Silang dalawa ni Mang Ben ang naghahanda. Ang bango ng ulam, natakam ako kaagad sa amoy ng tinolang manok. May inihaw pa'ng bangus. Alam talaga ni Aling Pacing ang paborito ko. Pagkatapos nilang maihain ang mga pagkain sa mesa. Nagdasal

