THIRD PERSON Nang magising si Greta nagtaka siya ng may naramdaman siyang may mabigat na nakapatong sa kanyang dibdib. Madilim ang kanyang silid kaya hindi niya alam kung ano ang mabigat na bagay sa kanyang dibdib. Naalala niya na kailangan niya pa palang magluto ng hapunan. Ngunit hindi siya makabangon dahil gumalaw ang mabigat na bagay sa kanyang dibdib at mahigpit siyang niyakap. Naamoy niya ang amoy ni Kano. Duon niya lang naalala ang lahat na nangyari sa kanila ni Kano. Nakaramdam ng hiya si Greta dahil bumigay siya kay Kano. Naisipan ni Greta paano nalang ang sabihin ng mga kasamahan niya. Parang wala siyang mukhang maihaharap sa mga ito. Gusto niya nalang magtago o umalis sa mansyon sa sobrang hiya dahil nga baka kung ano ang sabihin sa kanya dahil matanda na siya. Sobrang lakas n

