HAIDE "I miss you Honey! I love you! Let's get married Hon." Wika ni Diego ng tumigil kami sa paghahalikan ng kinapos kaming pareho ng aming hininga. Namumugay ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Hinaplos niya ang aking pisnge at naghihintay ng aking sasabihin. Hindi ko alam ang isasagot o tamang sasabihin. Habang nag-isip ako bigla nalang ako'ng nagulat ng may naramdaman akong malamig na bagay sa aking daliri. Kaya tinaas ko ang aking kamay, ganun nalang ang paglaki ng aking mata ng may kumikinang na diamond ring sa aking daliri. Palipat-lipat ang aking tingin sa sing-sing at kay Diego. Hinawakan niya ang aking kamay na may suot na sing-sing at dinala sa kanyang labi upang halikan. "Die-Diego?" Nau-utal kong tanong. Hindi ko mapigilan na tumulo ang aking luha. Hindi ko a

