HAIDE "Bossing, kailangan na ba talaga ngayon natin sasabihin? Baka...baka sa susunod na araw nalang pwedi? Hindi pa ako handa, baka kung ano pa ang sasabihin nila. Na dalawang araw lang tayong umalis na magkasama. Pagbalik natin may relasyon na tayo. Kinakabahan na natatakot ako. Baka palayasin ako ni Donya Mila." Kinakabahan na saad ko kay Diego. Bumabyahe na kami pabalik ng Manila. Nag-uusap kami kanina bago umalis sa Tagaytay na pagdating namin sa mansyon sasabihin niya na ang tungkol sa amin. Nagpaluto pa siya kay Nanay Greta ng maraming pagkain para sa tanghalian. Dahil gusto niya daw sama-sama kaming lahat kumain. Alas nuebe nang umaga ngayon. Kaya tamang-tama ang pagdating namin sa Manila para sa tanghalian. Hinawakan niya ang aking kamay saka dinala sa kanyang labi upang mahalik

