Haide "Haide, bakit nagmamadali at namumutla ka? May nangyari ba sa'yo. Sinabi ko naman sa'yo na huwag ka ng magtrabaho ng iba. Kay Senyorito ka lang dapat at hintayin mo ang pinag-uutos niya sa'yo." Turan ni Nanay Greta. Nang makita niya ako na nagmamadali papasok sa mansyon. "Ayos lang ako Nay. Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagmamadali ako para makapunta ng kusina. Saka tinulungan ko lamang si Kuya Glen. Birthday niya kaya 'yun ang birthday gift ko sa kanya." Pag dahilan ko kay Nanay Greta. Sobrang hiya ko kasi n'ong nagtama ang aming mata ni Senyorito. Hindi ko naman kasi alam na dumating na siya. Nangalay ang aking leeg kaya tumingala muna ako. Sakto pagtingin ko sa balcony niya nagtama ang aming mga mata. Kaya mabilis akong umiwas at tinapos ang aking pagdilig ng halaman. Dahil pakir

