HAIDE "Wow! Bongga talaga ang mga pasalubong ni Senyorito. Maka tikim na ulit ang mga kapatid ko, ng mga imported na chocolate." Masayang turan ni Ate Dahlia. Nandito kami lahat ngayon sa kusina dahil binubuksan nila ang mga pasalubong na bigay ni Senyorito Diego sa kanila. Nakaupo lamang ako at tumitingin sa kanila. Masayang masaya sila habang isa-isa nilang binubuksan ang para sa kanila. Ako lang ang wala dahil bago pa lang naman ako dito. Masaya ako para sa mga Ate ko. Dahil marami silang ibibigay sa kanilang mga kapatid. Naalala ko tuloy ang mga kapatid ko. Sobrang saya nuon ni Tom ng may pasalubong si Ana Mae na chocolate para sa kanila. Hindi naman ako na i-inggit sa mga Ate ko at kay Nanay Greta na may pasalubong sila. Nalungkot lang ako dahil naalala ko ang mga kapatid ko. Hindi

