THIRD PERSON CONTINUATION Mabilis na kinuha ni Consing ang kurtina saka tinakip sa babaeng hubo't hubad. Sinuot naman kaagad ni Dante ang kanyang pantalon ng makita niya ito sa gilid ng upuan. Nagising ang babae na parang hindi naman natakot o nabigla dahil may mga tao sa kanilang harapan. "Babe!" Tawag ng babae jay Dante. Matalim na tiningnan ni Dante ang babae. Gusto niyang sakalin ang babae hanggang sa mangisay. "Bakit katabi kita? Hindi kita kilala! Umalis ka. Habang hindi pa ako makalimot sa aking sarili. You're b***h! Get out!" Sigaw ni Dante habang dinuduro ang babae. Ngunit parang hindi manlang natakot ang babae. Sa halip ngumiti pa ito sa harapan ni Daisy at Consing. "Umalis ka sa pamamahay ko. Kahit matanda na ako baka kung ano pa ang makagawa ko sa'yo. Umalis ka dito sa p

