HAIDE "Hon! Kamusta na si Randy at ang tatlo ko'ng mga kaibigan. Anong ang ginawa ni Viola sa kanila? Ang mga body guard saan na sila ngayon." Sunod-sunod na tanong ko kay Diego pagkatapos niyang i-kwento ang lahat sa akin. Pagkatapos namin kumain nagpaalam muna kami na magpahinga dahil nakaramdam ako ng pagod. Naglinis ako ng katawan bago nagpasya na humiga saka pinakwento ko na kay Diego ang tungkol sa mga nangyari nuon. Nakahiga kami sa kama habang nakaunan ako sa kanyang braso. Nagpahinga rin ang mga kapatid ko sa guests room. Sinama naman ni Nanay Glorya si Nanay Consing sa kanyang kwarto. Kahit may kwarto para kay Nanay Consing mas gusto niya daw kasama si Nanay Greta. Nanggigil ako na parang gusto ko'ng sakalin si Viola. Nang malaman ko ang lahat. Masama man pero mabuti nga na,

