HAIDE "Mga Ate hindi ba nakahihiya? Baka kung ano ang sasabihin ng mga contractor at engineer mamaya." Tanong ko sa mga Ate ko. May occasion kasi kaming pupuntahan mamayang dinner. Mga kilalang tao sa bansa. Birthday daw ng isang contractor kaya invited si Diego at ang mga Asawa ng mga Ate ko. Pumunta sila dito sa room namin ni Diego at binigay sa akin ang isang crocodile bag. Ito daw ang bag na gagamitin namin mamaya para terno kaming lahat. Kasi sigurado daw sila mamaya na ang mga dadalo sa birthday ay mga signature bag ang dala. Kaya daw para maiba kami ito daw ang amin dadalhin para unique. Kahit si Ate Lily na malaki na ang tiyan gusto pa din sumama. Dalawang linggo simula n'ong nakita namin si Nanay at Tatay. Naging okay na ang lahat. Nasa Saudi na nga ngayon si Nanay at Tatay k

