HAIDE Nagising ako na pakiramdam ko, parang tuyong-tuyo ang aking labi at lalamunan. Hindi ko muna minulat ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko muna ang aking paligid. May naririnig ako na may nag-uusap. Mukha masaya sila sa kanilang pinag-usapan. Gusto ko na sana imulat ang aking mata para makita ko na ang aking triplets. Pero gusto ko munang marinig kung ano ang pinag-usapan nila. "Bossing huwag kana kasi uminum ng kape. Ayon tuloy dalawang beses ka'ng nahimatay. Baka mamaya kapag mahawakan mo ang triplets mahimatay ka na naman ulit." Narinig ko ang boses ni Kuya Dante. Na kausap si Diego. Kahit may pagod ako'ng naramdaman napangiti ako nang maalala ko si Diego na nahimatay bago kami pumunta sa ospital. Pero nagtaka ako sa sinabi ni Kuya Dante na dalawang beses na si Diego nahimatay.

