HAIDE Nang makaalis ang mga magulang ni Kuya Austin. Dinaluhan siya ni ni Diego at kanyang mga kaibigan. Umiiyak pa rin siya habang magkayakap sila ni Diana. "Kuya sorry po! Mahal kita kuya, kayo ni Ate Lily. Excited na po ako'ng makita ang pamangkin ko. Sana ligtas po sila Kuya." Umiiyak na saad ni Diana. Hinayaan lang muna namin sila mag-usap na magkapatid. Tahimik kaming na umupo kami sa waiting area habang hinihintay ang paglabas ni Doktor Valdez sa operating room. Dalawang oras kaming nakaupo ng dumating si Ate Dahlia at Kuya Gudo. Okay na raw ang dugo. Tudo pasalamat si kuya Austin kay Kuya Gudo habang umiiyak pa rin. "Okay lang iyon Austin. Sino pa ba ang matulungan dito? Tayo-tayo lang naman, Saka kung sa akin naman mangyari na kailangan ko ng tulong hindi mo naman ako pababa

