HAIDE "CONGRATULATIONS NANAY GRETA." "CONGRATULATIONS NANAY CONSING." "CONGRATULATIONS CONSING." "CONGRATULATIONS GRETA." Bati namin lahat kay Nanay Greta at Nanay Consing nang nalaman namin na buntis nga silang dalawa. Sobrang tuwa ni Tatay Kano at Tatay Pancho na sa wakas buntis na ang kanilang mga asawa at magiging tatay na sila. Magkasabay silang nagpa check up sa OB-GYNE at na confirm nga na buntis sila ng isang buwan. Tumawag kaagad si Mamita ng catering services para mag celebrate sa pagbubuntis ni Nanay Greta at Nanay Consing. At sa pagdating ng baby ni Kuya Austin at Ate Lily. "Nanay Consing, Nanay Greta ang totoo nag-usap ba kayong dalawa na sabay talaga kayo mabuntis?" Natutuwang tanong ni Ate Mylene. "Nagkataon lang mga loko-loko talaga kayo. Pero salamat sa inyong la

