HAIDE "I love you Hon! I promise to you, that I will be a good father and husband. Thank you so much Honey for the best gift ever." Wika ni Diego ng tumigil siya sa paghalik sa akin. Parang naging iyakin simula ng magkita kami. Nakatulog pala ako habang hinihintay ko siyang magising. Pakiramdam ko, nawala lahat nang mabigat na dinadala ko sa aking puso simula ng lumayas ako sa bahay ni Diego. Pakiramdam ko naging buo ako muli. Napatawad ko na siya pero hindi ko pa nasabi sa kanya. Mamaya ko nalang kausapin kapag nasa bahay na kami. "Umuwi na tayo Diego. Kanina pa tayo dito, baka kailangan na ni Kuya Dante ang kanyang sasakyan. Saka parang gusto ko pa'ng matulog." Ani ko. Parang ngayon ako naglilihi ng dumating si Diego. Parang gusto talaga ng kambal na magpa baby sa kanilang Tatay. Inal

