HAIDE Nagising ako na medyo nahihilo at nanghihina ang pakiramdam ko. May naramdaman akong mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Napangiti ako ng maisip na magkatabi kami ng Asawa ko. Kaya tumagilid ako saka niyakap at sumiksik sa kanyang kili-kili ngunit nangunot ang aking noo na parang iba ang amoy. Dahil kilalang kilala ko ang amoy ng Asawa ko. Kaya minulat ko ang aking mata. Pagtingin ko nanlaki ang aking mata na hindi si Diego ang kayakap ko, kundi si Randy. Natutulog din siya habang na kayakap ako. Handa na sana akong aalis sa kanyang katawan na may biglang may malakas na bumalya ng pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makita si Diego na nanliliksik ang mga mata niya sa galit habang nakatingin sa amin ni Randy. Hindi ako makagalaw sa pagka gulat. Gulong-gulong ang isip ko kung bakit hind

