THIRD PERSON "Ate pasensya na talaga sa plano ko'ng pagselosin ka kay Evelyn. Kasi ramdam naman namin na may gusto ka kay Kuya Miguel kaya sinubukan ko. Pasensya na po talaga Ate..Pero Ate congratulations sa inyo ni Kuya Miguel. Sobrang masaya po kami para sa inyong dalawa." Saad ni Haide kay Eden. Isang araw mula na naging si Eden at Miguel. Kinausap ni Haide si Eden at sinabi ang totoo. Ngayon lang kasi gumaling si Ede dahil nagkasakit kahapon buong araw. Tudo asikaso naman si Miguel. Nahihiya pa nga si Eden sa mga magulang ni Miguel at sa lahat ng mga tao sa mansyon dahil pakiramdam ni Eden alam nila kung bakit siya nagkasakit. Mabuti walang nagtanong. Pinuntahan siya ni Haide sa kanyang silid para kausapin. Nakasandal si Eden sa kama dahil medyo nahihilo pa siya. Si Haide naman naka

