HAIDE "Possessive!" May panunukso'ng wika ni Sir James kay Senyorito. Nang maghiwalay ang kanilang kamay. Sinamaan lang siya ni Senyorito ng tingin. At bumalik sa kanyang swivel chair. Binigay naman ni Sir James ang hawak niyang folder kay Senyorito. "Alam ko'ng pagod ka, kaya lang may importante tayong pag-uusapan. Tinawagan kita sa cellphone mo pero hindi mo sinasagot. Kaya pinuntahan nalang kita dito. Hindi naman ako magtatagal dahil baka maka disturbo ako sa inyo este sa'yo ." Wika ni Sir James na may nakaka lokong ngiti. Ngunit hindi siya pinansin ni Senyorito. Kinuha naman ni Senyorito ang folder at tiningnan. Kaya magpaalam muna sa kanila. Para gumawa ng kanilang meryenda. Tumango si Senyorito habang si Sir James ngumiti sa akin. "Sir, ano po ang gusto niyo? Juice po or coffee?

