THIRD PERSON CONTINUATION Hindi pa rin ma alis-alis ang ngiti ni Austin sa kanyang labi sa inakto kanina ni Lily.. Kahit anong pag pigil niya na hindi ngumiti ngunit hindi niya talaga mapigilan. Nakasimangot naman na tumingin si Lily kay Austin. Hiyang hiya siya sa nobyo dahil sa kanyang mga sinabi. Hindi niya kasi naisip kaagad kung anong kain ang sinabi ni Austin. Kaya tiningnan niya ng masama si Austin. "Kapag hindi ka tumigil Austin, maghiwalay na talaga tayo. Nakakainis ka, alam mo ba? Bakit jasi hindi mo sinabi kaagad. " Nakanguso at sungit-sungitan na sabi ni Lily. Gusto niya lang pag takpan ang kanyang pagka hiya. "Langga naman kasi sino ba ang hindi matutuwa na naisip mo na aswang ako. Ay oo nga pala aswang talaga ako dahil gusto kitang kainin." Natatawang sabi ni Austin.

