HAIDE "Ang bilis ng araw linggo at buwan. Ngayon walong buwan na akong nag-aaral. Sa walong buwan na pabalik balik ko sa school hatid sundo pa rin ako ni Diego. Mas naging masaya at puno ng pagmamahal ang pagsasama namin bilang mag-asawa. Siya ang nag tuturo ng mga assignment ko at gumagawa ng project ko. Mataas din ang mga grades ko dahil sa kanya. Maayos din ang buhay ng mga kapatid ko kaya panatag ang loob ko araw-araw. Naging magkaibigan kami ni Eli, Gina at Leonora, pati si Randy. Naging mag boy friend si Leonora at Randy. Sa walong buwan na pagkaibigan namin wala naman akong nakita na kakaiba sa kanila maliban minsan kay Randy. Minsan palihim siyang may kinakausap sa phone at naunang umuwi. Natapos na rin ang kompanya ni Diego at sa susunod na buwan na magbubukas. Excited kaming

