CHAPTER "Ate Joy A. Ate Joy B. kamusta po? Anong ginagawa niyo dito? I mean bakit nandito kayo sa loob ng kwarto?" Nagulat ako pag-gising ko mag-isa na lamang ako sa aking silid. Hindi ko alam kung nasaan si Diego. Nakita ko si Ate Joy A. Ate Joy B. na nakaupo. Isang linggo mula nang makabalik ako dito sa mansyon. Naging maayos naman ang pagsasama namin ni Diego. Mas doble ang pag-alaga niya sa akin.. Parang spoiled na nga ako sa kanya. Kahit sobrang busy niya sa kanyang kompanya mas inuuna niya muna akong asikasuhin. Bumalik na rin ang mga kapatid ko sa Iloilo dahil may pasok pa sila sa eskwelahan. Sumama din si Aling Glorya sa mga kapatid ko. Nalungkot at naawa ako kay Aling Glorya dahil hindi makuntak si Ana at hindi namin alam kung saan siya pumunta. Sinabi naman ni James na hindi si

