THIRD PERSON LEON ILOILO "Ayan na Mang Abraham, bagong ligo at gupit ka na. Halika ka na sa labas kailangan na natin magpa araw." Kausap ni Miguel kay Abraham. Ginupitan ni Miguel ng buhok si Abraham dahil mahaba na ito. Pagkatapos pinaliguan niya na rin. Hindi kasi makalakad at maka kita si Abraham. Kaya simula nang makita ni Miguel si Abraham siya na ang nag-alaga kasama ang mga magulang ni Miguel. "Maraming salamat Miguel. Kahit hindi mo ako tunay na pamilya inaalagaan mo pa rin ako. Hindi ko alam kung paano ako makabayad sa inyo ng mga magulang mo. Wala naman akong silbi dito. Hindi ko alam ang pangalan ko o kung may pamilya pa ba ako. Maraming salamat sa inyo ng mga magulang mo. Hinding-hindi ko kayo makalimutan habang buhay. Kung hindi dahil sa inyo baka wala ako dito sa mundo

