Pagkatapos ng nangyari ay kaagad naman kami umalis ni Charm. Sobra akong kinabahan kanina. Ano ba naman at bigla siyang susulpot. Nang palabas na kami ng entrance ng sasakyan ay mumuntik na kaming makasagasa naman ng isang estudyante na hindi nakatingin sa kaniyang dinadaanan. Todo busina na nga ako pero walang pakialam dala ng may nakasalpak naman na headphone sa tainga niya. Parang hindi maganda ang pakiramdam ko dala ng sunod-sunod na kamalasan ko sa araw na ito. Kung kaya ay naisipan kong yayain si Charm na magpunta sa isang resto. Nag-drive ako patungo doon. Nag-park ako malapit sa isang puno upang hindi gaanong mababad sa sikat ng araw ng sasakyan. Bumaba kami ni Charm. “Bakit naman dito?” ang tanong niya. Tumingin agad ako sa kaniya. “Eh saan ba dapat?” ang tanong ko naman.

