Aurea POV
Nakasimangot akong pumasok sa station namin. Napansin ito ni Drei kaya umiwas siya at kunwari abala siya sa kanya ginagawa.
Wala naman akong kaimik-imik na umupo sa tabi niya. Ayoko siyang pansinin dahil mas lalo lang na mahuhulog ang loob ko sa kanya kung ipagpapatuloy ko pa ang pakikipagharutan. Tahimik lang kaming pareho sa ginagawa namin nang biglang lumapit si Covey kay Drei.
“Drei may boyfriend ka na?”
Nagulat ako sa tanong ni Covey kay Drei.
“Ha? Anong klaseng tanong ‘yan?”
“Ah kung wala ee pwede bang ligawan na lang kita?”
Kunwari’y napaubo ako kaya nagulat silang dalawa.
“Baliw! Gawin mo na nga ‘yong pinapagawa ni Sir sa’yo. Baka pagalitan pa tayo rito ee.”
“Sige na Drei. Pwede bang manligaw.”
Medyo nag-iinit na ang aking tainga. Nagseselos ba ako? Shet! Anong nangyayari sa’kin?
“H’wag ako Covey, iba na lang.”
“Sige na Drei para mabigyan ko na ng apo si Attorney!”
Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Covey. My Ghhaaaddd! Apo agad?
“Baliw ka talaga Covey, pwede ba h’wag mo ‘kong idamay sa mga kalokohan mo. Alis!”
“Pero alam mo bagay kayo.” Seryosong wika ko kahit na medyo masama ang loob ko.
“Hmmmm...”
“Oo may pagkakahawig kayong dalawa. Siguro destiny kayo. Yieeeehh!”
Hayysst napakaplastic ko talaga. Pero mabuti na ‘tong inaasar ko silang dalawa kahit na nasasaktan ako. Gusto ko na ring itigil ang kahibangan ko kay Drei dahil maling-mali talaga ‘tong nararamdaman ko para sa kanya.
“Oh ‘di ba sang-ayon pa si Aurea sa’tin.” Mayabang na wika ni Covey saka kinindatan si Drei.
Bigla namang natameme si Drei. Nagpaalam naman akong mag-CR dahil hindi ko na gusto ang mga nangyayaring eksena. Parang any moment ay sasabog na ‘tong puso ko kaya nag-exit muna ako sa eksena.
Pagpasok ko sa CR ay unti-unti nang bumagsak ang aking mga luha. Bakit nasasaktan ako? Bakit nagseselos ako? Wala namang kami pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit sa dinami-rami ng taong magugustuhan ko, si Drei pa? And worst dahil pareho kaming babae. Bakit?! ? Bestiny lang talaga kami. Pinagtagpo pero hanggang bestfriend lang! ?