Aurea POV
Hindi nagtagumpay si Covey sa panliligaw kay Drei. Medyo nakaramdam naman ako ng konting tuwa ?. Pero sinasanay ko na ang sarili ko na hindi magpatangay sa bugso ng damdamin ko kaya parang normal na lang din akong makitungo kay Drei. Pinipigilan ko ang sarili kong kiligin at mag-assume.
Hindi ko na binibigyan ng meaning ang mga ikinikilos niya. Hanggang sa naging normal din ang lahat pero mayroon pa rin akong feelings sa kanya.
Kung tutuusin parang kaming tatlo na ang magbestfriend dahil lagi naman kasi kaming magkakasama. Wala na rin kaming time na magkita-kita ng mga classy group dahil pare-pareho kaming abala sa immersion.
Sa wakas nagsawa rin si Covey sa pangungulit kay Drei. ?
“Hayyst ang hirap palang paamuhin ang mga probinsyana! What if ikaw na lang Aurea ang ligawan ko?”
Nabitiwan ko ‘yong hawak kong tinidor. Napahinto naman ng subo si Drei. Nasa Jollibee kami kumakain ng lunch.
“Ang hirap ligawan ni Drei kaya pwede bang ikaw na lang jowain ko?” Pag-uulit ni Covey.
Pinulot ko ‘yong tinidor saka itinuktok sa ulo niya.
“Araaayy! Ang lupit naman ng pagmamahal mo.” Reklamo niya.
“Kung mahirap akong ligawan how much more si Aurea, ‘di ba cyst?” Saad ni Drei saka tumingin sa’kin.
“Well kung ayaw mo talagang magpaligaw kay Covey ee di wala akong choice.” Pilyo ko namang tugon.
Bigla siyang nainis.
“Hindi ba’t bawal sa group natin ang magpaligaw?” May pagtatampong tanong ni Drei.
“Dahil ako naman ang lider ng group pwede ko lang din namang baguhin ang rule anytime. Hahaha!”
“Waaahhh madaya!”
“Luhh bakit? Nagseselos ka ba?” Pang-iinsulto ko sa kanya.
“Hindi ahh ba’t ako magseselos ee hindi ko naman type si Covey.” Inis na wika niya.
Ang sarap lang niya asarin. Mahahalata mo kaagad sa mga kilos niya na denial siya. Hahaha! Hindi ko alam kung kay Covey siya nagseselos o sa akin pero ayoko ngang mag-assume. Ok, so let’s play a love game! ?