Birthday Present

679 Words
Aurea POV Nasanay na akong sakyan ‘yong trip ni Covey. “Mga ilang anak ba ang kailangan ni attorney?” Natatawa kong tanong sa kanya. “Kahit ilan basta may apo. Apo lang ha?” “Apo lang pala ee sige magkano TF ko?” “Ha? Anong TF?” “Talent fee shungers! Haha!” “Ahh magkano ka ba?” “Aba syempre mahal ‘to!” Nagtawanan na lang kami sa mga kalokohan namin. Minsan si Drei seryoso lang. Hindi siya makasabay minsan sa trip. Hindi ko tuloy matanto kung ano ‘yong nararamdaman niya sa t’wing naghaharutan kami ni Covey. Mas mabuti na ‘to para mawala na rin ‘yong feelings ko sa kanya. Nakakaloka lang talaga kung bakit natotomboy ako kay Drei. Nakakadiri ka self! Haha! ? Nagpatuloy lang ang ganoong sitwasyon namin ni Covey hanggang sa magising na lang ako isang umaga na nababaling na ang nararamdaman ko sa kanya. OMG! Anong nangyayari sa’kin? Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko? Dati si Drei tapos ngayon si Covey naman?! Hala?! Sabi ko makikipaglaro lang ako. Sasabay sa mga trip pero anong nangyayari sa’kin? Ako na naman ang talo! Sobrang rupok mo kasi Aurea! Hindi ka naman ganito dati ‘di ba? My ghaadd self you’re getting into my nerves! I know lilipas din ‘to kaya go with the flow lang ako. But this time, para akong namamangka sa dalawang ilog. Sino nga ba sa kanila ang mas matimbang? Naguguluhan na talaga ako! “Namiss ko ang slurpee, tara sa 7-11!” Yaya ni Covey samin. Katatapos lang naming magtime-out. “Ako rin namiss ko ‘yong siopao.” Sang-ayon ko. “Doughnut naman sa’kin.” Wika naman ni Drei. Since malapit lang naman ang 7-11 sa station namin kaya naglakad na kami. “Gusto ko ng barbeque!” Sigaw ni Drei nang mapadaan kami sa mga ihawan. Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala si Drei ng mga streetfoods. Bumili si Drei kaya napasunod na rin kami ni Covey. Nang makarating kami sa 7-11 napagkasunduan naming pare-pareho ang bibilhin naming pagkain. Then nagsimula na kaming magmeryenda. “Uyy birthmonth mo pala ngayon.” Simula ni Covey ng usapan. “February ka rin Aurea? February din ako.” Wika naman ni Drei. “Anong date ka?” “21” “Ha? 22 ako.” “Hala muntik na kayong magkapareho ng birthday!” Manghang sagot naman ni Covey. Nagkatinginan naman kami ni Drei. Nakangiti siya kaya napangiti na rin ako. “As one na lang ang celebration ninyo.” Suggestion ni Covey. Napaisip naman kami ni Drei saka muling nagtama ang aming paningin. “Sige!” Sabay pa naming tugon. “Luhh baka kambal nga kayo magkaiba lang magulang ninyo hehe.” Nagtawanan na lang kami sa nasabi ni Covey. “Drei gusto mo mag-exchange gift tayo?” “Sure gusto ko yan. Magkano ang worth ng gift natin?” “Worth? Hayy naku kahit magkano basta ang mahalaga may gift tayo sa isa’t isa.” “Sige, anong gusto mong gift?” “Luhh ba’t mo tinatanong? Dapat surprise ‘yon kaya ‘wag nating sabihin kung ano ‘yong gift natin sa isa’t isa.” “Oh sige pero baka makapili ako ng hindi mo magustuhan?” “Ano ka ba? Hindi naman ako mapili ‘no.” “Sige. Mag-iisip ako kung anong magandang regalo para sa’yo.” “Malapit na ‘yon. Next-nextweek na.” Paalala ni Covey. “Don’t worry magcecelebrate tayo with classy group sa sikat na restaurant dito. ‘Di ba Drei.” Kinindatan ko siya. “Oo naman. Exclusive lang for classy group at syempre kasama ka na rin d’on Covey.” “Ayos!” “21 natin ice-celebrate ‘yon sa mismong birthday mo Drei kasi friday ‘yon at syempre baka wala na tayong time kung 22 kasi nga naghahabol tayo ng requirements right?” Sumang-ayon naman si Drei. Gusto kong maging memorable ‘yong araw na ‘yon kaya dapat magiging memorable din ang gift ko sa kanya. ❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD