Aurea POV
Bukas na ang birthday ni Drei. Sana magustuhan niya ‘yong regalo ko. Ayoko sanang i-celebrate ang birthday ko dahil hindi naman talaga sa month ng february ako ipinanganak. Hindi rin ako sanay na ipinagdiriwang ang kaarawan ko dahil buong buhay ko hindi ko pa naranasang makasama ang mga magulang ko sa birthday ko.
“Tomorrow is the big day!” Bungad sa’min ni Covey. Nagkatinginan at nagngitian lang kami ni Drei.
“Drei, if ever magkatotoo, ano naman ang gusto mong wish sa birthday mo.” Curious kong tanong sa kanya. Nag-isip siya saglit bago nagsalita.
“Wish ko sana makauwi na ako sa’min. Namimiss ko na ang mga magulang ko.” Malungkot niyang saad.
Parang kinurot naman ang puso ko sa aking narinig. Hindi dahil naaawa ako kundi dahil iiwan din niya ang mga pinagsamahan namin. Nakaramdam ako ng lungkot na para bang hindi pa nangyayari pero feeling ko iniiwan na ako ng taong naging mahalaga sa akin.
“Hindi ka ba masaya rito?”
“Masaya lalo na sa company ninyo kaso iba rin talaga kapag kasama mo ang family mo.”
“Gano’n ba? Sa’n mo then balak mag-aral sa college?”
“Do’n sana sa’min. Eh ikaw?”
“Baka sasama ako kay mamey sa Canada.” Bigla siyang nalungkot sa sinabi ko.
“So iiwan mo then kami?”
Nagulat ako sa tanong niya. Parang siya nga ‘tong mang-iiwan tapos tatanungin niya ako ng gano’n?
“Ok so ganito na lang, hindi ako sasama kay mamey pero ipangako mong mag-stay ka rin dito?”
Matagal bago siya nakasagot.
“I can’t promise.”
Bigla na naman akong nakaramdam ng lungkot. Hayyst hindi ko siya maintindihan. Ayaw ba niyang umalis ako or what? Ako nga ‘tong may ayaw na umalis siya tapos gano’n lang ang isasagot niya?
“Ako rin, I can’t promise.” Naisagot ko saka ibinaling ang aking atensyon sa ginagawa ko. Hindi na rin siya umimik.
Nauna akong umuwi sa kanilang dalawa dahil tumawag si mamey. Pagkarating ko’y nadatnan ko si mamey na umiinom ng alak. Lumapit ako sa kanya saka hinagkan. Niyakap niya ako.
“Aurea, I have something very important to tell you dear.” Hindi ako sumagot dahil kinakabahan ako. Hinayaan ko lang siyang magpatuloy.
“Lahat na ginawa ko para makalimutan ang dadey mo pero...” Humagulhol si mamey.
“Hindi pa rin ako maka-move on. And I think makakalimutan ko lang siya kung iiwan ko muna ang mga bagay na nakasanayan ko noong nariyan pa ang dadey mo.” Mahabang paliwanag niya. Malakas ang kabog ng aking dibdib. Ano kaya ang nais iparating ni mamey?
“It is better if we go to Canada and start a new life there.” Biglang bumagsak ang luha ko sa narinig ko. Parang may kung anong matalim na bagay na humihiwa sa puso ko. Nagkatotoo ‘yong sinabi ko kanina kay Drei but honestly sinabi ko lang ‘yon para alamin kung manghihinayang din ba siya kapag nawala ako?