Happy Birthday!

735 Words
Aurea POV We will make this day memorable! Nakahanda na ‘yong gift ko kay Drei. Nauna na sa restaurant ang apat. Binilinan ko rin sila na bumuli ng cake para kay Drei. Isusurprise namin siya. Pagkatapos naming mag-out na tatlo’y dumiretso na kami sa restaurant. “Wait lang.” Wika ko sa dalawa. Kinuha ko ‘yong panyo ko. “Anong gagawin mo sa panyo?” Tanong ni Drei. Nagulat siya nang i-blindfold ko siya. “Anong kalokohan ‘to?” “Basta sumunod ka na lang.” Sabad ni Covey saka inilabas ‘yong kanyang phone. Vinideo niya kaming dalawa ni Drei habang inaalalayan ko siya papasok sa loob. Naghihintay naman doon ang mga classy group. “Ano na naman bang pakulo ‘to Aurea?” Nagtatakang tanong ni Drei. Hindi ako sumagot. Tuluy-tuloy lang kami sa pagpasok. Nang makalapit na kami’y inilabas na ng apat ang cake. Humudyat ako. 1...2...3! Tinanggal ko ‘yong blindfold. “Happy Birthday Drei!” Sabay-sabay naming bati saka kinantahan siya. Halos mapaluha naman siya sa tuwa. “Blow your candle!” Wika ni Cha nang matapos ang kanta. “But before that magwish muna kayo.” Habol ni Cha. Nauna akong nagwish. “Wish ko sana mag-stay na rito forever si Drei!” “Yehey!” Hiyawan naman ng lahat. “Ikaw na Drei!” Saad ni Myka. Nag-isip muna siya bago nagwish. “Sana hindi matuloy si Aurea sa Canada!” Nagulat naman ang lahat. “Hoy madaya ka walang aalis!” Sigaw ni Myka. “Don’t worry guys siguradong matutupad ang wish ng dalawa.” Sabad naman ni Cha. Then sabay naming hinipan ni Drei ang candle. Bago namin sinimulan ang salo-salo’y nagpray muna si Je. Then after that. “Kainan na!” Sigaw ni Covey. Habang kumakain kami’y inilabas ko na ‘yong regalo ko kay Drei. “Drei, gift ko para sa’yo. I hope you like it.” Wika ko saka iniabot sa kanya. Kinuha rin niya ‘yong gift na para sa’kin. Na-excite naman ako. “Gift ko naman sa’yo Aurea. Pasensya ka na kung ‘yan lang ang nakayanan ko.” Wika niya saka iniabot sa akin. “Ooppss sabay niyong buksan.” Utos ni Covey. Sabay naman naming binuksan. Nagulat ako sa regalo sa’kin ni Drei. Isang mamahaling bag! ? Samantalang ‘yong regalo ko naman sa kanya ay sapatos. “Thank you!” Sabay naming nawika saka nagyakapan. 1st time ko siyang mayakap nang mahigpit at nakaramdam ako ng ginhawa sa kanyang mga bisig. Nagpalakpakan naman silang lahat. Pagkatapos naming kumain ay biglang nabaling ang usapan tungkol sa akin. “Aurea, magtapat ka nga sa’min.” Seryosong tanong ni Je. “Totoo ba ‘yong narinig namin kay Drei na pupunta ka sa Canada?” Bumuntong hininga ako. Actually hindi pa ako nakapagpasya. Hindi ako makatulog nang gabing ‘yon nang sabihin ni mamey sa’kin ang tungkol sa paglipat namin sa Canada. Humingi ako ng panahon kay mamey para makapagdecide. Medyo naguguluhan kasi ako at ayoko rin namang iwan ang mga pinagsamahan naming magkakaiban ng gano’n kadali lang. Isa pa napalapit na rin ang loob ko kina Drei at Covey. “Iyon ang gusto ni mamey.” Tipid kong sagot. “So anong desisyon mo?” Tanong naman ni Myka. Nahihirapan akong sagutin ang tanong na ‘yon. Kung masisiguro ko lang sanang mag-stay rito si Drei pwede rin naman akong tumanggi kay mamey tutal sanay naman akong wala siya lagi sa piling ko. Pero kung aalis lang din si Drei, mas mabuti na lang ding sasama ako kay mamey. Gosh! Ang hirap. “Hindi pa ako nakapagdecide.” Tugon ko. “Kung ako sa’yo h’wag ka nang umalis.” Mungkahi ni Covey. “Hindi ka na makakahanap ng katulad namin do’n.” Dagdag naman ni Cha. “Oo nga! Ang tagal na ng pinagsamahan natin ee.” Sang-ayon naman ni Myka. Tumingin ako kay Drei na para bang tinatanong ko siya kung ano naman ang magiging reaksyon niya. “Don’t worry guys hindi matutuloy si Aurea. Feeling ko magkakatotoo ‘yong wish ko. Tiwala lang.” Natatawang sabi ni Drei. “Kaya nga. Saka ‘di ba bibigyan mo pa ng apo si attorney?” Pilyong wika ni Covey. Nagkantiyawan naman ang lahat. Ok! So ayoko munang isipin ang future. For now, mag-eenjoy muna ako. Bahala na si God kung anong magiging plano niya para sa’kin. ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD