Plane Ticket

811 Words
Aurea POV Last day na namin sa immersion. For sure maghahabol na kami ng mga requirements namin. Pero parang nawawalan ako ng gana. “Uyy kanina ka pa lutang diyan.” Sita sa’kin ni Drei. Ewan ko ba sa sarili ko? Halos isang linggo na akong hindi makatulog nang maayos kakaisip. Napakaraming gumugulo sa isip ko. Lalong-lalo na ‘tong lumalalang feelings ko at hindi ko alam kung sino sa kanilang dalawa ang mas matimbang? Is it He or She? Parang matutuluyan na yata akong mapabilang sa LGBT and to be exact, bi-s****l! Omo! Ano ‘tong iniisip ko? Pwede ba self tumigil ka! Babae ka right? Oh no! Hindi ko na naiintindihan ang sarili ko. “Aurea, may sakit ka ba?” Nag-aalalang tanong ni Drei. “Oo.” “Hala? Anong nararamdaman mo?” “Nababaliw na yata ako sa’yo!” Nagulat siya sa sagot ko. “Hahahahaha char!” “Kaloka ka talaga. Pa-check up ka na.” “Tapos na, tinanong nga nila kung ano blood type ko. Sabi ko naman type kita!” “Luhh? Aurea anong mga pinagsasabi mo? Haha!” “Charot lang! ‘To naman hindi mabiro.” Hayyst napaka-slow talaga nitong si Drei. Ang hirap magsabi ng feelings sa pasegwey na paraan tapos hindi man lang niya ma-gets? Hayysst bahala ka diyan! “Last day na pala natin ngayon.” Saad ni Covey. “Parang kailan lang tapos malapit na tayong grumaduate!” Dagdag naman ni Drei. “Oo nga ee parang kailan lang no’ng binasted mo ako!” “Luhh!” Napatingin ako kay Drei. Nagblush na naman siya. May feelings din kaya si Drei kay Covey? Pero malakas ang kutob ko. Denial lang kasi ‘tong si Drei. Bagay naman silang dalawa kasi they have something in common. Wala kasing kaseryo-seryoso si Covey kaya hindi mo malalaman kung sincere ba siya o hindi. Parang nakikipagbiruan lang kasi siya at masarap nga rin namang sumabay sa mga trip niya minsan. Paano kung magkatuluyan sila? Ayan ka na naman self. Nagseselos ka na naman pero kanino ka nagseselos? Kay Drei o kay Covey? Hayssst ang gulo! Bahala na nga. Kinabukasan ay nagreport na kami sa school. “Good job guys! Puro positive feedback ang mga natanggap ko sa inyong mga station.” Bati ni Sir Jei Yu. Nagpalakpakan naman kami. “Malapit na ang last quarter then ilang tulog na lang graduation na!” “Yehey!” Sigaw naman ng karamihan. “Sir mamimiss kita!” Sigaw ni Rian na nakaupo sa likod. Bigla namang namula na parang kamatis si Sir. “Mamimiss ko rin kayong lahat. Umpisahan na ninyong tapusin ang mga requirements ninyo lalo na sa research ninyo.” Paalala niya sa’min. “So ano guys? As one na lang tayong gagawa ng mga requirements.” Mungkahi ni Myka. “Much better!” Sang-ayon naman ni Je. “Open naman ang bahay namin anytime.” Alok naman ni Cha. “Good!” Wika naman ni Julz. “Ano Aurea?” Sita sa’kin ni Myka. “Ha-ha?” “Luhh parang wala sa sarili ‘to?” Nagtatakang tanong ni Myka. “Noon pang ganyan ‘yan.” Sabad naman ni Drei. “Ahh eh...” Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. “May problema ba?” Tanong ni Cha. “Nafo-fall na yata sa’kin si Aurea kaya ganyan.” Pilyong sabad naman ni Covey. “Ayiiiieeeeehhh!” Tukso naman nila maliban kay Drei. “Oo nga eh. So kailan natin bubuuin ‘yong apo ni attorney?” “Hahahaha!” Nagulat naman kami sa malakas na pagtawa ni Drei. “Anong reaksyon ‘yan Drei? Sabihin mo lang kung nagseselos ka. Dalawa na lang kayo ni Aurea ang magvolunteer na magbigay ng apo kay attorney.” Pagbibiro ni Covey. “Hmmmm.” Tanging naisagot ni Drei na namula na naman. Nagtawanan na lang kaming lahat. Pilit kong binabasa si Drei. Ramdam ko talagang may feelings siya kay Covey dahil sa mga nagiging reaksyon niya minsan. Denial lang talaga siya. Ako naman ‘tong naiipit. Kanina pa ako lutang dahil hindi ko alam kung paano sasabihin ang sitwasyon ko. Wala man lang akong mapagsasabihan ng aking nararamdaman. Pag-uwi ko sa bahay ay siya ring pagdating ni mamey. “Hi mamey.” Wika ko saka humalik sa kanyang pisngi. “Sa’n ka galing mamey?” “Galing ako ng airport iha.” Natigilan ako. Parang ayokong pakinggan ang susunod na sasabihin ni mamey. Ayoko ring tanungin kung anong ginawa niya ro’n pero... “Nakabili na ako ng ticket natin.” Parang gumuho ang mundo ko sa aking narinig. “Pe-pero mamey h-hindi pa ako nakapagdecide.” “Hindi mo na kailangan pang magdecide Aurea. Sa ayaw man at sa gusto mo’y sasama ka pa rin sa’kin sa Canada.” Hindi ko na naikubli pa ang pagpatak ng aking mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD