14

3989 Words
Watch " Huwag mo akong subukan, dahil sisiguraduhin kong sa akin parin ang bagsak mo." Where is that now huh? It's not like I'm waiting for him, but again he prove me wrong. Hindi siya nagpakita sa akin ng tatlong araw. No. I'm not waiting for him. Mas maganda nga iyon, I got now a peaceful days. Sinungaling siya, at hindi na ako magtataka kung hindi niya iyon tutuparin. Sabado at ipinangako ko kay Miggy na ipapasyal ko siya, nanood kami ng sine, I buy him pop corn, juice, and some snacks from the grocery though hindi naman namin iyon mauubos lahat I still buy him. I give him everything he needs and wants. " Mommy, can I have Ice cream?"he said, `` Ngumiti ako I know that's his favorite. But I limit it because of his teeth and I'm afraid he caught a cold. Even though I'm a doctor, I still not like it when it comes to his health at mas maalaga nga ako sa kanya. " Only one bite." Agad na naglaho ang puppy eyes nito at nag pout pa. So cute. "Mom! That's unfair!" He said pouting. I chuckled and kissed his cheeks. " I was just kidding." I smile, agad naman itong sumaya at itinuon na ang atensyon sa pinapanood niya. Tumagal kami doon ng isa't kalahating oras. Like what he wanted, I buy his favorite flavor of ice cream. Which is avocado. Bumili na din ako for myself, sinabayan itong kumakain. Palabas na kami ng shop ng may nakasalubong kaming dalawang tao. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng mapag sino ang mga ito, Oh no. Tatalikod na sana ako ng makita kami nito, nanlaki ang mga mata ng babae pero ang kasama nito ay wala namang reaksyon. Takot, iyon ang naramdaman ko ng lumapit ito sa kinaroroonan ko, kung ibang tao siguro ito ay kanina pa ako nag walk out kasama ang anak pero hindi... " Omg? I'm not dreaming? Ana? Is that really you?" There's no point in lying kaya tumango na lang ako. I badly wanted to get out of here but my respect to the two people stop me. " Yes, Senyora." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na sumagot kahit na dinadaga na ang dibdib ko ng takot. These man and woman in front of me help a lot my family, so how could I just walk away huh? Tell me. Bakit ngayon pa? Kung kailan kasama ko ang anak ko. Kung kailan hindi ako nag-iisa, kaya ko naman silang harapin but I'm not prepared because I'm with my Son. Dumapo ang tingin nito sa kamay kong hawak-hawak ang kamay ng aking anak, tahimik lamang itong nag-mamasid sa kanyang paligid, wala itong kaalam-alam kung sino ang nasa harapan namin ngayon. " Ohh No!"She said. I was shocked when she look at Miggy, napahawak pa ito sa kanyang bibig, I don't know what to do. This is what I'm saying before. This scene bugs me for years and now it's happening. I avoided this a lot of time but nothing can stop this fate and now it's in front of me. " H-how come? I-I thought--" she can't even finish her sentence because of this unexpected interaction. Even I, can't say anything, kahit ibuka ang mga labi hindi ko nagawa. I don't know what to say, like her I'm still in shock. " H-hija-" napayuko ako, I can't look at them anymore. Sa Kanila lang ata hindi ko nagawang nagalit, wala man silang nagawa noon ay alam kong hindi nila iyon nagustuhan. And I know that everyone know what happened to me. Pinalabas sa lahat na patay na ang anak ko, that he didn't make it, but it's all fabricated. Tita Emelia did that to wake me, kahit hindi naman na kailangan. Nagising na lang akong, nasa sinapupunan ko pa rin ang aking anak. " Mauuna--" I hardly tried not to stutter and I did. But the voice of an old man stop me. " Hindi mo muna ba kami ipapakilala sa aming apo?" Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko iyon matatago dahil, kahit ako ang kamuka ng anak ko ay kuhang kuha naman nito ang tindig at kilos ng isang tunay na Del Fabbro. Tikas at galaw ay makikita na agad kung kanino ito nagmula. At ito rin ang kinatatakutan ko. Ang mangyaring malaman ng walangya niyang ama na buhay siya. He admitted that he is his, and no doubt na baka iyon pa ang gamitin nito laban sa akin. I won't let that happen. " totoo ba ito? May anak kayo ni Gustavo?" Hindi parin makapaniwala ang ginang sa nakita. Siguro ngayon ay alam na ng mga ito ang katangahan niyang ginawa, pinagsisihan niya iyon pero hindi ang pag-luwal sa kanyang anak. He won't regret that day she gave life to her child. " Bakit hindi muna tayo, magkwentuhan? Sabik na rin akong makilala ang aking apo." Marahan ang pakakasabi niyon ng senyor. Pero ang marahas na pag dagundong ng puso ko ang hindi ko kayang pigilan. Ano na ang mangyayari pagkatapos nito? Hindi naman ako dapat mangamba lalo na at alam kong hindi naman nila gusto ang anak ko miski ako mismo hindi naman nila gusto. " I'm shock, I thought he's dead?" May-panunuri sa mga mata ng ginang, ng makabawi ako ay inaayos ko ang isip at damdamin. Hindi naman na nila dapat nalaman pa ito, I plan hiding this for the rest of my life. I plan to hide him, I don't want my Son Feel how hurt being neglected. " Hija, alam na ba ito ng aming anak?" Tanong pa ng ginang, kailanman ay hindi niya gustong sabihin kay Gustavo ang tungkol sa anak. Minsan na niyang sinabi, pero ano ang nangyare? Pinagtabuyan at hindi sila tinanggap nito, baka kasal na ito kay Joyce, it's been 8 years? Kaya hindi rin iyon imposible. " I'm sorry for what happened years ago, hindi na sinabi pa ng aking anak kung ano ang totoong nangyare. " That's not important though, why would he tell it to them? Tumingin ako sa anak kong nakatingin at pinagaaralan ang taong nasa harapan namin, isang restaurant ang kinainan namin, wala akong naisagot sa kahit anong tanong. Tahimik ang anak ko at hindi ito sumasabat o kahit mag-tanong sa akin. Habang ako ay nakatitig lamang dito, I know his minds are full of questions. And I'm thankful that he never say anything, binawi ko ang tingin dito at tumingin sa dalawang matanda, ngayon ko lang napansin na halata na sa hitsura nila ang katandaan. Pero kahit ganun ay maganda at gwapo parin. Napangiwi ako ng maramdaman ang pagkailang. " Gusto ko po sana ng tahimik na buhay sa amin ng anak ko." Nag-iba ang ekspresyon ng mga mukha nito. Napatingin ang mga ito sa anak ko. At bumalik sa akin, nakita ko ang disgusto sa muka ng ginang at tiimbangang na tumingin saakin ang senyor. " Alam nating hindi iyon maaari, Anak niyo ni Gustavo ang pinag uusapan. Hindi mo pwedeng itago ito ng habang buhay." Mariing sabi ng senyor. Naramdaman kong humawak sa kamay ko ang anak ko. At ng tignan ko ito ay nagtataka na ito sa mga nangyayari, Gusto ko ng umalis at kalimutan na lng pero hindi maari, they will push it though. Ayokong bigyan ng karapatan ang anak nito ni kahit kaninong miyembro ng pamilya nito ay hindi ko gusto. " Pero hindi naman po tama na ipilit niyo ang gusto nyo..." I stop myself, I remember I have my Son with me. He might hear something terrible... " My Son has-" hindi ko ito pinatapos at agad na tumayo. " Pagod na po ang anak ko, I'll talk to you some other time." Huminga ng malalim ang ginang at tumingin sa anak ko na may pagtataka at tanong sa mukha. " Malalaman niya rin." Nanliit ang mata ko. " Aalis na po kami." Agad agad akong umalis doon, wala na akong pakialam kung ano ang gawin nila. Wala na akong paki pa kung sabihin nila kay Gustavo ang nakita. "Mama, totoo po ba ang sinabi nila? " Nasa kotse kami, napapikit ako ng mariin. " Bakit po kayo nag-sinungaling? Sabi niyo patay na si Papa?" Hindi ko mahanap ang tamang salita, wala ni isang pumasok sa isip ko. " Galit po ba kayo Mama?" Huminga ako ng malalim, at niyakap siya ng mahigpit, I hug him like I'll lose him. " H-Hindi, hindi naman galit si M-mama." Nauutal na ako at basag na rin ang boses dahil sa nagbabadyang luha. " Mama, may Papa po ba talaga ako? Buhay siya Mama?" Nahimigan ko ang saya pero may lungkot ang boses nito. Hindi nito magawang magalit, kahit alam nito at nararamdaman niya na may tinatago ako sa kanya. " Miggy..." Malungkot ang mukha nito, at hindi ko magawang titigan man lang, I'm guilty, nag-sinungaling ako. But it is for his sake. Ayokong masaktan siya knowing his dad doesn't like him. " Ayaw po saakin ni Papa diba? Ganun naman po talaga iyon diba? Si Mika mama, ayaw din sa kanya ng Papa niya kaya iniwan sila ng Mama niya. " Nagulat ako sa sinabi nito. Sobrang apektado ako dahil itanggi ko man ay iyon ang totoo. Hindi kami ang pinili niya noon at ang masakit pa ay pinagtabuyan kami, hindi siya naniniwala at inakala pa niya na iba ang nakabuntis saakin. " Masaya naman po Mama kung tayo lang, ayoko po kayong masaktan pa lalo. Kaya huwag na po natin silang kausapin." Nabato balani ako, hindi ko inaasahang lalabas iyon sa bibig ng anak ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin hanggang sa nakarating na lamang kami ng bahay, wala na itong naging imik. Tahimik at pumunta na itong kwarto. I let him, gusto ko muna itong mapag-isa, nabakasan ko ng sakit at lungkot ang mata nito, kaya hindi ko mapigilan magalit sa sarili ko. Feeling ko ako ang may kasalanan ng lahat, feeling ko, karma ko ito. That I deserved this. Hindi ako nakatulog ng maayos, iniisip ko si Miggy, ang dalawang hindi ko inaasahan na makita at ang pamilya ko. Kahit nasa Hospital ako ay hindi ako makapag focus. Hindi na nag-tanong si Miggy, gumising ito kanina ng maaga, masigla na ito at wala ng bakas ng pinag-usapan namin kahapon. Samantalang ako sobra paring nag-iisip. Naging ganooon lang ang araw ko at ng gumabi ay nagpasya na akong umuwi. Pero pagdating ng bahay ay meron akong hindi inaasahan bisita. Isang linggo ko itong hindi nakita at ngayon nandito ito, nanlaki ang mga mata ko. At napaawang ang labi. Habang ito ay nakaupo lang sa aming Sofa, katabi ang anak kong nanonood ng TV. Walang anumang reaksyon sa mukha ni Miggy. Parang wala lang, parang hindi nito katabi ang lalaki. At ng makita ako ay lumiwanag ang mga mata nito, tumakbo ito at lumapit sa akin. "Mama, there's a stranger, sabi po niya Papa ko po siya?" Hindi nga halata e? Kahit nakaupo sa upuan ay parehas na pareho sila the way they look and body built. Hinding hindi mo akalain na hindi mag-ama. Hindi ko sinagot si Miggy, nakatitig lamang ako sa lalaking iyon, tinago ko ang takot na umusbong sa systema ko. Hindi ito ang tamang oras para matakot, wala naman itong karapatan dahil, ito naman ang nagtaboy at hindi naniwala. " Go to your room Miggy, I'll talk to him." Tumango ito. Tumingin ito sa lalaking nakatingin sa amin, titig na titig ito saamin. Hindi ko mabasa ang mukha, huminga ako ng malalim. Umakyat si Miggy at ng mawala na ito sa paningin ko ay humarap ako kay Gustavo. " Bakit mo sinabi iyon sa anak ko?" Walang ganang sabi ko, tumayo ito at unti-unting lumapit sa akin. Ang kapal kapal niya para sabihing siya ang ama e, pinagtabuyan at hindi naman niya noon tinanggap ang anak ko. " Why? Natatakot kaba?" Ngumisi ako, " Wala akong kinatatakutan." Mariin kong sabi. " So, he's not really dead? Why did you hide him? " Tumaas ang kilay ko. " I'm not hiding him, bakit ka nandito? " Tumitig ako dito, binabasa niya ang mukha ko. Nagtatangis ang mga bangang. Nanliit ang mata nito at hinawakan ang aking braso. " Akin din siya, kaya bakit mo itinatago, huh? " Napakapal talaga ng kanyang mukha. Pupunta siya dito at aariing kanya ang anak ko? " Walang pagmamay-ari mo sa pamamahay ko, umalis kana kundi mag-papatawag ako ng pulis. " Humakbang siya paatras. Tumango tango at tumingin sa akin ng may malalabig pero madilim na mata. " I'll prove you wrong. Just watch me taking him away from you!" " Are you out of your mind?" Matapos ng gabing iyon ay nag-isip agad ako kung paano ko ilalayo ang anak ko, hindi ko na din inisip pa ang kakahinatnan ng plano ko. Ang mahalaga ay hindi ito masaktan, ayokong maranasan nito ang sakit ng idinulot ng Ama nito. Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko na paghandaan kaya ngayon ay nagkukumahog ako kung paano ko ilalayo ang anak ko dahil matagal naman ng inalisan ni Gustavong ang sarili ng karapatan kay Miggy. Hindi ko inaasahan na mag-hahabol ito noon dahil siya naman ang nagtulak sakin na gawin ito ngayon. Wala akong natitirang ni katiting na tiwala para dito. Ito ang iniintindi ko sa buong magdamag, I called Ally, And Chris that night, wala naman akong balak talaga. I was desperate at kailangan ko ang mga ito ngayon. " I already called Chris. Uuwe siya as soon as possible." I said with finality. Walang anumang bagay ang magpapabago ng mga desisyong nabuo sa utak ko. " Paano kung malaman niya? Arghhh! Your in trouble Ana!" Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi ito nag-patinag. " Yes, I am! Matagal na, hindi naman ako papayag na maging madali para sa kanya ang lahat!" Umarko ang kilay nito. " Are you seeking for revenge?" Hindi makapaniwala na tanong nito, pinanlakihan nito ako ng mata. Wala sa isip ko na gumanti, o kahit na ano. I'm just slapping what he let go before. " No, I'm not doing this for revenge Ally. I'm making him realize the things he has done, I'm slapping him on what he has already lost." If he get anything he wants easily? Ay hindi ko hahayaang makuha nito ang gusto ng ganun kadali, like what he supposed to be. He get me easily before, our loved is so fast. At madali akong nagtiwala pero ano ang nangyari? Hiding from him will be so frustrating, and I'll make sure of it. I'll hide what he wants. He will never get my child easily, like how he did years ago. " At paano kung hindi ka mag-tagumpay? Ano ang gagawin mo kung kuhanin niya sayo si Miggy? At ikaw naman ang pagkaitan?" Masama ko itong tinitigan, her thoughts are making me sick! At saan naman niya nakuha iyan? Does she think I'll let that happen? Of course not! " Wala siyang karapatan okay? And if that's happened? I will skin him alive. Wala siyang karapatan na pagkaitan ako! Siya ang may kasalanan saakin, huwag niyang kakalimutan iyan." Umiling na lamang ito, napagtantong hindi ako papapigil sa kahit na anong rason. He will going to embrace my warth, pilit niyang pumapasok sa buhay ko at ng anak ko? But I'm not gonna let him. It's funny how I fell for him before and now we're in this state where I hate him to death! He is my first heartbreak and he is the first in everything. Kaya sobrang nasaktan ako noon. Nag leave ako kinabukasan dahil uuwi si Chris ng gabi or hapon, he is in Switzerland for his business. At dahil hindi nito mahindian ang request ko ay agad agad itong nag book ng flight pauwi ng pilipinas. Chris is my friend also, nakilala ko siya noong college ako, We're Classmate sa ibang subjects, at doon ko siya nakilala. We became close kahit ayoko sa muka nito. He remind me of someone hanggang sa nasanay na lang ako, wala akong choice tsk. Naghahanda ako ng pagkain dahil may pasok ngayon si Miggy, I decided to cook for him. Hindi ko ito masyadong nagagawa dahil busy sa work. " Mommy? Wala kang pasok?" Ngumiti ako, I'm thankful hindi na ito nagtanong pa katulad kagabi. " Yes baby. Ako ang mag-hahatid at mag susundo sayo." Umuwang ang labi nito. I see hesitation in his eyes pero wala naman lubas sa bibig nito. Hinatid ko siya, nag-hintay na rin ako. Kasama ko ang yaya niya, Actually binabantayan ko talaga siya, baka kasi dumating ang damuho at bigla na naman lumapit kay Miggy. I ate lunch nag pa take out ako kay Berta, sa kotse na ako kumain. Ilang oras pa ang hihintayin ko maybe 2 hours pa? After ko kumain ay nag cellphone na lang ako, Ally updated me every hour. Hindi siya sang ayon sa lahat ng plano ko but she just support me. Ilang minuto na lang ang bibilangin ng isang kotse ang namataan kong pumarada hindi gaanong kalayo sa akin. At ng lumabas na ang tao sa loob noon ay agad na kumulo ang dugo ko. Paano niya nalaman kung saan ang school ng anak ko? That fast? At talagang wala itong pakialam sa mga sinabi ko dito. Napaka kapal talaga. Napahigpit ang kapit ko sa aking manibela. Hindi nagtagal ay lumabas ako. " Mama..." Agad kong nilapitan si Miggy, agad agad ko itong hinila patungo sa kotse ko pero hahawakan ko palang ang seradura ng isang braso ang humarang. Hindi ko namalayan na nasa malapit na pala ito, agad kong inilagay sa likod ko si Miggy, protecting him from this man. " Why in a hurry? " May bakas ng iritasyon ang mukha nito. Ngumisi ako. " Ang bilis naman ng inutusan mo para manmanan ang anak ko? Sabagay yun lang naman ang kaya mong gawin e" nandilim ang mga mata nito. " Hindi mo pa alam kung ano ang kaya kong gawin! Hayaan mo akong kilalanin bilang ama ng anak natin." Madiin nitong sabi. I can see the impatient expression on his face. " Hindi ikaw ang ama niya, kaya anak ko lang! Kaya pwede ba, huwag mo guluhin ang buhay namin ng anak ko." Lalong dumilim ang mata nito, parang gusto na nito akong saklin sa itsura nito. Hindi ako nagpasindak sa galit na muka nito, wala siyang karapatan na magalit. Itinulak ko siya at agad kong binuksan ang backseat at pinapasok si Miggy. Hinarap ko siya ng makapasok si Miggy, hindi magandang naririnig iyon ng anak ko pero dahil sa sobrang galit ko sa taong nasa harap ko ay hindi ko na naman na pigilan ang aking bibig. " Alam ko, he's also my Son." Siguradong bigkas nito. Ngumisi ako, how he is sure huh? " Really? Paano kung sabihin ko hindi ikaw ang ama niya." Natigilan ito at nag-taggis ang kanyang bangang. Tinitigan nito ang mata ko, tinitimbang kung nag-sasabi ba ako ng totoo. He's so very intimidating, but I never look back. Sa halip ay dinugtungan ko din ang sinabi ko saka ako pumasok at umalis doon. " Hindi mo ako nabuntis, ibang lalaki ang nakabuntis saakin... Katulad ng paratang mo. Iyon ang totoo." Katulad nga ng inaasahan ko ay gabi na nakarating si Chris, I welcome him, hindi ko na ito na sundo pa. I smiled pero busangot ang muka nito ng makita ako. " The hell Ana? Ano naman ba itong napasok mo? Akala ko ba nasa tahimik na lugar kana?" Bungad nito saakin. He is acting like he really doesn't like this. Kahit siya naman ang nag bigay ng idea na ito saakin. When he learn my past ay sobra ang galit niya kay Gustavo, at ng tawagan ko siya kagabi ay ito nga ang napagkasunduan namin. He needs to go here to help me. " He already know, ano pang magagawa ko? I need to do something." Kahit iligaw man lang ang lalaki ay gagawen ko. Siguro nga ay sinusunog na ang kaluluwa ko sa impyerno dahil sa dami ng kasinungalingan ko. Pero kahit ganun ay itutuloy ko parin ito. " Oh, nakausap mo na ba si Miggy?" Yun ang isa pang problema ko. Hindi ko pa magawang kausapin si Miggy. Iisipin ko pa lang na madadagdagan ang kasalanan ko sakanya ay nilalamon na ako ng guilt. " Hindi ko pa nakakausap..." Ngumiti ito ng pilit. " Ako na ang bahala kay Miggy, don't worry about him. Masunurin ang pogi na iyon at mauunawaan naman niya ito kalaunan." Hindi na ako nag protesta, sa bahay ko na ito tumuloy, gatos lang pag mag hotel pa ito. Tutal ay ako naman ang dahilan kung bakit ito nandito. We catch up that night, konting oras ay nakalimutan ko ang problema ko at naging magaaan ang loob ko. That's the thing I like about our friendship. Umaga. Simula na ito ng plano, kinakabahan parin ako pero gusto ko naman ito. Maaga ding nagising si Miggy at Chris. " Ready?" Ngumiti ako. Wearing a long gown red blackless dress and a red heels. " Yes, si Miggy?" " Kanina kapa hinihintay." Tumango ako, sumunod na ako dito ng tumalikod para umalis. Dadalo kami ngayon sa isang lunch event, It's a family event. We decided na dito umpisahan ang nabuo naming plano. " Are you nervous?" He ask. Agad akong umiling. I'm not that nervous... I'm not. " Mamita will be there..." Napangiwi ako. This is really happening now, and last minute ay gusto kong mag back out. Hindi ko alam kung kakayanin kong makaharap ang mga ito ngayon. " I'm here, hindi ko kayo papabayaan doon." Tumango ako, it make me feel ease. Nabawasan ang bigat sa dibdib ko. Nakarating kami doon, hawak niya si Miggy sa kaliwa at ako naman ay sa kanan, kung titignan ay muka silang mag-ama. Pagpasok namin sa venue ay maraming tao ang sumalubong, napukaw namin ang mga atensyon ng mga ito. Bulungan, hindi ko man marinig ng maayos alam kong hindi maganda iyon, do they know me? Ilang minuto ang lumipas, marami ang lumapit saamin. Kanya kanyang tanong pero ni isa ay hindi sinagot ni Chris. Iibahin nito ang paksa. Huminga ako ng malalim ng tumingin ito saakin, pinapahiwatig na mag sisimula na kami sa aming napag-usapan. Tumango ako. Ngumisi lang ito at naglakad na. Sumunod ako, pigil ang namumuong damdamin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko ng makita ko ang pakay namin sa araw na ito. Gulat at pag-tataka ang nakatatak sa mga muka ng mga tao sa lamesang pabilog, lahat sila ay magaganda ang suot, isa-isa ko silang tinignan. I saw Joyce, Her eyes widened seeing me, I saw Mr and Mrs. Del Fabbro na nagtataka ding nakatitig saakin. Even Donya Mathilda is there nagtataka man ito ay halata parin sa mukha nito ang digusto sa presensya ko. Sa kahit anong antas, kapag hindi ka gusto ng tao, hindi ka gusto at wala kang magagawa kung hindi tanggapin iyon. Tinanggap ko ang mapanuring tingin ng mga ito. Hindi ako nagbaba ng tingin, Tahimik si Miggy. Si Chris na ang bumasag ng katahimikan na. " Finally I'm back." He said to them, he smile to all of them. At lahat sila ay papalit-palit ang tingin sa aming dalawa. Like a difficult puzzle. Ngumiti si Chris, tumingin ito sa aking anak at pumunta sa kanyang Ina at ama. He kiss her cheek while he tap the shoulder of his father. Napako ang tingin ko kay Gustavo, madilim ang mga mata nito at mabagsik kung tumingin, his atensyon is all on me. Walang tanong o kahit ano, pinagaaralan lang nito ako. Binawi ko ang tingin at binalik sa dalawang tao na kasama ko. At ng mag salita si Chris ay alam ko iyon na ang hudyat na ng aming pagpapanggap. " By the way, I'm with my Son. Miguel Pierre Del Fabbro." He said it with a smile on his face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD