1

4341 Words
Hilam ng luha ang mata niyang pagod na pagod sa pag iyak, buong gabi na siyang iyak ng iyak at hindi malaman ang gagawin. "Ate" lumapit sa kanya si Xia at katulad niya ay hilam din ng luha ang maganda nitong muka. "Xia, bakit gising kapa?" Pinahiran niya ang lumandas na luha at hinarap ang kapatid. "Ate ano pong nangyare kay mama?" Hinawakan niya ang pisngi nito at ngumiti. Masyado pang bata ang kapatid niya para isipin ang suliranin ng kanyang pamilya. " Hindi kasi maganda ang pakiramdam ni mama, pero wag kang mag alala may gamot naman siya kaya, magiging okay din yun. Matulog kana at maaga ang pasok natin bukas." Paliwanag niya sa kapatid. Ngumiti ito at tumango. "Ikaw ate hindi ka pa matutulog?" Nakatingin itong may pag tataka pero hindi na naman ito nag tanong maliban doon. "Mauna kana, may kailangan pa kasing ayusin si ate. " Mabilis itong sumunod sakanya. Mahimbing na ang kapatid pero siya ay gising na gising at tulala sa kisame ng kwarto nila. Inaalala ang naging pag uusap nila ng papa niya pag uwe nito galing hospital. Makikita dito ang pagod at sakit, mahahalata din na galing ito sa pag iyak sa hindi niya malaman na dahilan. Nilapitan niya ito, umupo ito sa silya kaya tinabihan niya ito. Seryoso ito habang nakatitig sa kanya, napalunok siya. "Ang mga kapatid mo?" Mahinahong tanong nito. "Na sa silid ho nila, Pa. Si mama po?" Kitang kita niya ang sakit na umukit sa pagod nitong mga mata. Kasabay niyon ang luhang hindi na nito napigilan. "A-Ang mama m-mo..." Hinihintay niya itong ituloy pero niyakap lang siya nito at ganun din siya. Alam niyang sa hospital ito galing pero bakit hindi nito kasama si mama? Bakit mag isa lang itong umuwe? Ano ba talaga ang nangyayare. "Bakit po nasa hospital si mama? Pa alam ko may hindi kayo sinasabi. Narinig ko kayo, may problema tayo hindi ba?" Huli na ng naisip ang sinabi, pero kung hindi niya iyon sasabihin ay alam niyang itatangi ito ng papa niya. Nalukot ang muka nito, hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo ngayon sa isip nito. Alam niyang ayaw ng papa niya na mangielam silang magkakapatid sa problema. Pero hindi naman niya hahayaang wala siyang gawen para sa mga ito. Mahal niya ang mga ito at nasasaktan siya sa isiping wala siyang magawa. "Bakit mo iyon ginawa? Masama iyon anak. Hindi ka dapat makikinig ng usapan namin ng mama mo." Malungkot itong tumungin sa kanya. Humingi siya ng tawad dahil sa nagawa. Bumuntong hininga lang ito alam niyang pagod ito galing hospital kaya hinainan muna niya ito ng pagkain. Pero hindi man lang nito iyon ginalaw. "Pa. Sabihin niyo na saakin, alam ko naman na may malaki tayong problema. Hayaan nyo naman akong tumulong." Hindi niya ito tinigilan sa pangungumbinsi at alam niya na naiinis na ito sa kakulitan niya. Pero mapilit siya. "May sakit ang mama mo, breast cancer. Nung isang taon lang namin na laman. Hindi ito naagapan agad at kumalat pa ito sa ilang bahagi ng katawan niya. Kinailangan ng pera. Na ngutang kami sa mga Del Fabbro. At ngayon nga mukang ganun ulit ang mangyayare. " Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi dahil sa wakas ay sumuko ito at sinabi rin ang suliranin na kinakaharap nila. Hindi na niya namalayan na sinasabayan na pala niya ito sa pagiyak. Matapos ng usap na iyon ay umalis din agad ito at bumalik na ng hospital. Hindi niya maiwan ang mga kapatid kaya kahit gustong gusto niyang dalawin ang mama niya ay hindi niya magawa. Kailangan niya pang itago ito sa mga kapatid dahil ayaw niyang pati mga ito ay magalala pa. Nagising siya ng umagang iyon, lunes at kailangan niyang asikasuhin ang mga kapatid sa pagpasok dahil wala pa ang nanay niya maski ang tatay niya ay hindi pa umuuwe. Nagpasya muna siyang lumiban sa klase upang magpunta sa hospital gusto niyang malaman ang kalagayan ng mama niya. Ng makarating doon ay hawak niya ang biniling pansit para sa tatay niya alam niya kasing hindi pa ito kumakain mula kahapon. Masyado itong abala sa kalagayan ng mama niya kaya hindi ito nakauwe kaya pupuntahan niya ito at kakamustahin niya ang mama niya. Sobrang pagaalala ang naramdaman niya ng malaman ang sakit nito. Hindi niya alam ang buong detalye niyon pero naniniwala siyang malakas ang mama niya at makakaya nila ito. Nakita niya ang tatay niya sa labas ng kwarto nakaupo ito at nakapikit, naawa naman siya sa nakita at agad itong nilapitan. Gulat itong tumingin sa kanya. "Pa, may dala po akong pansit. Kumain na po muna kayo." Tamayo ito at kinuha ang pansit ngumiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito. "May pasok ka diba? Hindi ka na dapat pa nag abala anak." Siya parin ang iniisip nito kahit na alam niyang ito ang pagod at buong gabing nagbabantay sa nanay niya. "Naisip ko muna pong lumiban kahit isang araw lang Pa. Hayaan niyo muna akong mag bantay kay mama." Yumkap ito sakanya at hinawakan ang ulo niya. Napaka sweet talaga ng tatay niya kahit kaylan, kaya mahal na mahal niya ito. "Ayus lang naman ako anak. Nag paalam na din ako sa mga Del Fabbro. Maayos na naman ang mama mo. Lalabas na iyon ngayon." Agad akong humihiwalay dito, bakit ang bilis naman ata? "Pero Papa, sigurado po ba iyon? Hindi ba kailangan muna ni mama manatili dito? "Naguguluhan tanong ko. "Huwag kang mag alala. Naggagamot naman ang nanay mo, mag chemo na din siya." Kung ganun ito nga ang pinagkakagastusan ng mga magulang niya. "Mahal ho iyon diba? Paano po Papa?" Bakit ba sa mama niya pa napunta ang sakit na iyon? "Pinahiram ako ng mga Del Fabbro, huwag ka ng mag alala. Pumasok ka na ayokong lumiban ka." Wala na siyang nagawa at sinunod na lang ito. Pinilit niyang mag focus sa klase niya, hindi niya parin maiwasan isipin ang mama niya. " Ana!" Napukaw ng isa sa mga kaklase niya ang atensyon niya. Si Joyce na queen bee ng section namin. Maganda ito maputi at may kulot na mahabang buhok. "Bakit?" Lumapit ito at umupo sa unahang upuan at hinarap ako. "Di ba nagtatrabaho ang mama mo sa Mansyon ng Del Fabbro?" Maarti nitong tanong sakanya. Naka ngiti pa ito ng peke. Hindi naman sila close nito dahil ayaw ng babae sakanya, at hindi niya alam kung bakit. "Oo." Maikling sagot niya, kung ano man ang sadya nito ay hindi niya alam, hindi naman kasi ito lumalapit sakanya. Allergic ito sa presensya niya. "Talaga? Andun kaba? Did you see Gustav?" Galak nitong tanong. Kumunot ang noo niya. Sino daw? "Ahm. Hindi naman ako nakapasok, at hindi ko kilala iyon." Nag O ang bibig nito hindi makapanila sa kanya. "Are you crazy? Hindi mo kilala ang panganay na anak ng Del Fabbro? Saang planeta kaba galing?" Inis nitong sabi sakanya. Totoo naman kasing hindi niya talaga kilala ang mga Del Fabbro kahit doon nag tatrabaho ang mga magulang niya, hindi din naman kasi siya sumasama sakanila. Isa pa hindi naman yun importante pa sakanya dahil wala naman siyang kinalaman sa mga ito. Marami man siyang naririnig tungkol sa magkakapatid pero isinawalang bahala na lamang niya iyon. Dahil puro lamang ito mga papuri. Lalo na sa panganay ng Del Fabbro. "But anyway, kahit naman kilala mo iyon ay siguradong hindi ka niyon mapapansin. Alam mo naman iyon diba?" Tumango na lang siya. Ayaw na niyang nakipagtalo pa dito. Para saan ba? Matapos niyon ay pinuntahan niya na si Xia isasabay na niya ito pauwe. Nakita niya itong may kausap na lalaki at nagtaka siya ng ang kausap nito ay ang kostumer niya noon sa plaza. Ang pumakyaw ng mga tinda nila. Agad siyang lumapit hindi pa siya nito napansin kaya hinawakan niya si Xia sa braso nito. "Sorry po Mr. Pero hindi ko po kasi alam." Malumanay nitong sabi sa kaharap. Ano ang pinaguusapan ng dalawa at bakit tila pagkairita ang nakaukit sa muka ng binatang nasa harap na ngayon nila. " Okay then, I got to go, kid." Hindi siya tinapunan nito at agad ng umalis. "Bakit mo kausap iyon?" Tanong niya sa kapatid. "Wala iyon ate nagtanong lang." Tumango siya at niyaya na itong umuwi. Hindi na niya masyado pang inusisa iyon dahil parang wala lang din naman iyon sa kapatid niya. Kinagabihan ng makauwe na ang mama niya na parang walang nangyare. Alam na din nito na may alam siya sa kalagayan nito. Sa sumunod na linggo ay naging mas productive na ang mama niya kaya ang pagalala para dito ay nabawasan ng kaunti. Sinabi din ng papa niya na huwag mag alala sa utang nila dahil kaya naman iyong bayaran ng paunti unti. Kaya tuluyan ng nawala ang agamagam niya. Lumipas pa ang buwan at naging mas pinagtuunan niya ang pag aaral ng sa ganun ay madali para sakanya makatuntong sa kolehiyo. Hindi din tumigil ang usap usapan tungkol sa mga Del Fabbro at nasanay na lang siya doon, ito kasi ang pinakamayaman sa kanilang lugar. Bukod sa haciendas ay marami itong pinapalagong businesses at hindi niya na din mabilang pa iyon napaka sipag ng mag asawa lalo na ang panganay na anak ng mga ito. Hanggang sa bagong balita ang narinig niya sa kanyang kaklase na nagpukaw ng atensyon niya. "Omg! He's finally staying here for good. I'm so excited to meet him!" Sa mga nakalipas na buwan ay naging maayos naman kami, hindi na din sinugod sa hospital si nanay bukod sa mga therapy na kailangan niya para sa sakit niya. Hanggang sa tumungtong ako sa kolehiyo at kasalukuyan akong nagaaral sa UB—Batangas University. Medyo malayo sa tinitirahan namin pero ayos lang. Nag tatrabaho na din ako sa karinderya bilang taga hugas ng mga plato, mahirap, pero kaya naman basta para sa mga kapatid ko. Simula ng mag chemotherapy si mama ay nasa bahay na lang siya, hindi na kasi siya pinayagan na magtrabaho pa ni papa, kahit muntik na nila iyon pag awayan ay nakinig si mama at hindi na pinilit pa ang gusto. Sa mga Del Fabbro parin nag tatrabaho si papa paunti unti din naming binabayaran ang mga utang sakanila, alam ko habang tumatagal ay palaki iyon ng palaki kaya madami rin akong ibang raket na pinapasukan. Minsan waitress, Janitress, at taga hugas o kaya naman ay taga luto. Sinabay ko iyon sa pagaaral ko. Mas lalong naging busy si Papa nitong mga nakaraang linggo dahil dumating nga ang panganay na Del Fabbro, hindi ko pa iyon na kikita kahit isang linggo na simula ng magbalik ito ng Mansyon. "Ana, may assignment ka? Pakopya ako hindi ko kasi nagawa, si tatay kasi sinugod na naman kagabi." Salubong sa akin ni Allaiza ng umagang iyon. Halatang pagod ito at wala na naman maayos na tulog. Ka-klase ko siya sa halos lahat na Subject ko siya lang din ang pinagkakatiwalaan ko bilang kaibigan ko. Matalino siya. Breadwinner din sa pamilya, kaya madali ko siyang nakasundo. "Anong nangyare?" Nagaalalang tanong ko, hindi kasi ito ang unang beses na sinugod ang tatay niya sa Hospital. Lasingero kasi iyon at unti unti ng nanghihina ang katawan. " Ayun sa paninigarilyo naman, naiinis na nga ako kundi sa alak sigarilyo naman. Gusto na atang magpakamatay." Tignan mo to sarap batukan! Kahit naman ganun mabisyo ang tatay niya ama niya parin iyon. Nagkibit balikat na lang ako at kinuha ang notebook ko sa bag. Inabot ko iyon sa kanya. "Oh, libre mo ako mamaya ha." Ngumisi ito. "Oo ba. Basta A+ to." Siraulo talaga. At katulad nga ng usapan namin nakuha kami ng A+ kaya nilibre niya ako, lagi kaming ganito, Kapag ako ang hihingi ng pabor ako naman ang mang treat sakanya. Ayos ba? Lunch time na kaya naisipan na namin kumain pagtapos nito ay dalawang subject na lang at iwian na. "Hay, tinatamad ako, kay Sir bayong." Kumunot ang noo ko. Tuwing Wednesday talaga tamad ang babaeng to. "Malamit na ring tamarin yang grade mo, pag hindi ka pa pumasok." Asar ko dito. "Eh kasi naman. Everyday quize doon, sarap hampasin ng yellow pad." Napa iling na lang ako. Chemistry prof namin si Sir. Bayong at sa tuwing natatapos ang discussions niya ay laging may pa quiz. "Bakit ba kasi ako nag Biology? Tangnang epal kasi ni Hiro e." Inis na na pasabunot ito. Matalino naman ito mareklamo lang talaga, kaya naman namin ang mga subjects namin kahit parehas din kaming nag tatrabaho. "Dapat kasi hindi mo na siya sinundan. Hindi ka din naman pinapansin e." Ngising sabi ko. Long time crush niya kasi si hiro, akala niya kasi kung magiging mag close sila e mapapansin na siya nito pero dalawang taon na bigo parin ang bruha. "Sakit mo mag salita ha." Napailing na lang ako. Matapos ng dalawang subject ay umuwi na ako ng bahay kailangan ko munang magpalit para pumasok sa karinderya. Si Mama lang ang naabutan ko doon wala si Liam at Xia nasa mga kaklase at may groupings daw. Naabutan ko si mamang nag luluto sa may kusina. "Mama." Humalik ako sa pisngi niya. "O anak. Ang aga mo ata?" Nag sasandok na ito sa isang lalagyan at sa tingin ko ay dadalhin niya ito kay papa. "Aalis din po ako agad Ma, magbibihis lang ako." Agad na akong pumasok sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Nagpaalam ako kay Mama at umalis na ng bahay, sumakay ako ng tricycle. At ng makarating doon ay nakita ko ang ang may-ari ng karinderya si Ma'am Grace. Napatingin ako sa paligid, kumunot ang noo ko ng makita ko ang itim na sasakyan, Heavy tinted ang bintana niyon kaya hindi makikita ang taong nasa loob. Nito ko lang yun napansin dahil halos araw araw na ata iyon nakaparada sa katapat na kalsada ng karinderya ni Mam Grace. Kahit ang ibang mga kasamahan ko ay nahahalata na iyon kasi wala naman lumalabas dito o pumapasok basta nandun lang ito. "Ayan na naman ang itim na kotse, kung hindi lang mukang mamahalin iisipin ko ng masasamang loob iyan." Salubong ni Mam Grace saakin. Sa buong araw nila dito ay hindi pa nila nakikita ang sakay ng itim na sasakyan na iyon kaya medyo ang creapy lang. Sila din ang nagsabi niyon saakin at pinag-iingat pa nga ako ng amo ko. Sinimulan ko na ang trabaho ko ng makarinig ako ng tilian sa labas. Kasalukuyang nasa kusina ako at nag huhugas at dahil nga maraming huhugasin ay hindi ko iyon maiwan para man lang makita kung ano ang kaguluhang nangyayare. Pero mukang hindi naman iyon masama dahil puro tili ito ng mga babae. Nagmadali si Mam Grace na pumasok sa kusina galing itong labas dahil siya ang taga sandok ng mga ulam ng bumili. "Hija, huwag mo muna hugasan iyan at tumulong ka muna sa labas. Nandiyan ang anak ng Del Fabbro. Napaka suwerte natin at mukang dito niya napiling kumain." Del Fabbro? Bago to ah. Sa ilang buwan ko dito ay ngayon lang may naligaw na Del Fabbro dito kaya nakakapagtaka talaga dahil alam naman ng marami na mayaman sila at sa mamahaling Restaurant ang mga ito kumakain. Tuwang tuwa din talaga si Mam Grace kahit si Kia na taga silbi ay mukang kilig na kilig. Lumabas ako para tumulong. Nanlaki ang mata ko na hindi lang isang tao ang nakita ko, marami sila. Ang iba ay mga nakatayo pa sa labas. At ang iba ay mga nakaupo na siguro ay lagpas lima iyon. Naglakbay ang mga tingin ko sa kanila, lahat sila ay puro puti ang pang taas at itim ang pang baba. Lahat din ay mga walang emosyon ang muka. May hinahanap ang mata ko pero hindi ko iyon nakita. Asan ang isa sa mga Del Fabbro? Puro bodyguard ata niya ang mga ito. Dalawang sasakyan ang nakaparada na ngayon sa harap ng karinderya, iyon ata ang sasakyan na gamit nila pero wala naman ang amo nila. "Ana, nakita mo ba si Senyorito Gustavo?" Agad akong napalingon sa nagtanong. It was Kia. "Hindi e." Maikling sagot ko. Ngumiti ito at lumapit saka bumulong sa tenga ko. " Napaka gwapo niya, kung nakita mo lang." Masayang turan nito saakin. Napanguso na lang ako at kinuha na lang ang mga orders para tulungan siya. Nasa unahan na din si Mam Grace at sinasandok na ang mga ulam at kanin. Kinuha ko iyon. Ang mga lalaking mga nakaputi ay nakaupo sa isang mahabang lamesa, doon ko nilapag ang mga dala ko. Akmang aalis na ako ng tumunog ang pinto kaya napaangat ang ulo ko at doon ko nasalubong ang isang pares ng mga mata. Kulay berde ang mga iyon, walang emosyon katulad ng mga lalaking nasa aking harapan ngayon. Napuno ng bulungan ang karinderya at doon ko lang napansin na halos mga babae pala ang customer namin ngayon. Napaiwas ako ng tingin at napakagat ng labi. Hindi ko kayang titigan siya ng matagal dahil sobrang nakakaintimida ang presenya niya. Agad itong umupo sa isang lamesa walang nagtangkang lumapit miski ang amo ko ay natulala din dito. Agad akong umalis pero hindi pa ako nakakaabot sa mga ulam na nasa unahan ng bigla siyang nagsalita. "Vergara." Agad akong napalunok. Ako lang naman ang may apilyidong Vergara dito. Pero nagtaka ako kung bakit alam niya ang apilyido ko. Ni hindi ko pa ito nakikita, ngayon palang at alam ko ganun din sa kanyan. Agad akong humarap sakanya at naglakad para lumapit " Sir? May kailangan po kayo?" Magalang kong sabi ng nasa harap na niya ako. "Yes, Seat down." Nanlaki ang mata ko. Napatingin ako sa paligid, kila Kia, Ed, at Mam Grace. Lahat sila ay nakanganga, nagtatanong ang mga mata. Napaawang ang labi ko at napalunok. Narinig ko pa ang mga bulungan sa palingid ko pero hindi ko naman masyadong maintindihan ang mga iyon. " Sir. Hindi po kasi pwede. Ano po ba ang maitutulong ko sa inyo." Iwas ko dito. Ayokong umupo baka lalo lang akong mapagusapan pag ginawa ko iyon. " I said seat." Ma awtoridad na sabi nito. Uminit ang pisngi ko. At napakagat ng ibabang labi. "Oras po kasi ng trabaho Sir. Pasensiya na po" Naningkit ang mga mata nito at tumingin sa likod ko. Kaya napatingin din ako. Mam Grace cleared her throat. And look at me with smile on her face. "Sige na hija. Umupo kana." Bayolente akong Napalunok at marahang umupo sa harapan niya. Itinaas niya ang kamay niya at agad lumapit si Ed at kia dala ang mga pagkain. Hindi ako makatingin sa kanya. Ramdam ko ang mga titig nito saakin kaya hiyang hiya ako habang nakayuko. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong paupuin hindi naman namin kilala ang isat isa. Kahit marami akong naririnig tungkol sakanya ay hanggang doon na lang iyon. "Are you scared of me?" Maanghang nitong tanong na kina angat ng muka ko. I met his Green eyes, he's looking intently at me. Ngayon na mas malapit na siya saakin ay halos matulala ako sa ganda ng kaniyang mga mata ang matangos na ilong at mapupulang labi. It's like inviting you, agad ko iyong inalis sa isip ko at umiwas ng tingin tiyaka ko siya sinagot. "Hindi naman po sir." Tumaas ang kilay niya. At tumgin ng may panunuya sa'kin. "You know me?" Agad akong napailing. He curse anaudibly to himself. Napangiwi ako. Eh sa totoo naman na hindi ko siya kilala. "Unbelievable." Hindi makapaniwalang tingin niya sa'kin. Iniisip siguro niya na nagbibiro lang ako. Kahit naman sa kanila nag tatrabaho ang mga magulang ko ay dapat ba kilala ko sila diba? Kahit kailan hindi ko naman sila nakasalamuha at nakita. Kahit minsan napapadaan ako tuwing may okasyon sa mansyon. He bite his lip. At umirap siya. "I'm Gustavo. Your father is our family driver." Tumango lang ako. Alam ko. Ano ngayon? Tumango tango siya at inalis saakin ang atensyon nag sandok siya ng ulam at nilagay sa plato niya, ng makita iyon ay umakto akong tatayo ng tumingin ito. "Aalis na po ako." Paalam ko sakaniya. "Stay and eat." Agad akong umuling. Shet nakakahiya naman kung sasalo ako sakanya eh hindi naman kami close. "Hindi na po sir. Nakakahiya naman po." Tanggi niya dito. "Gustavo. Call me by my name." Hindi ko ata kaya iyon. Halos lahat dito kung hindi Sir, Senyorito ang tawag sakanya. "Just seat. okay?" Sabi pa niya ng makitang wala akong balak na sumunod. "Hindi na po talaga Sir. Ahm marami pa po kasing trabaho. Mauna na po ako." Agad akong umalis doon at naramdaman ko ang pagsunod ni Mam Grace saakin. Ng makapasok ako ay bigla na lang may humila sa braso ko. "Hoy ano yun? Bakit mo binastos si Senyorito? Paano kung hindi na umulit pa iyon dito?" Napapikit ako at napalunok. Hindi ko gawain ang makipag chikahan sa oras ng trabaho at lalo na marami akong kailangan tapusin at gawin. Alas nueve ang sara nito kaya kailangan ko pang maghugas. Hindi ko naman Kailangan makipag kwentuhan lalo na at hindi ko naman iyon kilala. "Pasensiya na po. Hindi ko naman po kasi kilala iyon at maraming hugasin Mam." Napayuko ako ng pinanlakihan ako nito ng mata. "Wala akong paki. Bumalik ka doon at humingi ka ng tawad." Aayaw sana ako ng itulak ako nito palabas. Tumingin ako sa lamesa ni Senyorito. Saktong nagtama ang mga mata namin napayuko na lang ulit ako at dahan dahang pinuntahan siya. Umupo ako ulit sa kanina kong inupuan at huminga ng malalim. Naglikot ang mata ko sa ibang taong tila nanonood ng telenovela. Agad naman binalik ang mata sa lalaking kaharap. "Pasensiya na po sa inasal ko. Hindi na po mauulit." Tanging nasabi ko. Ayokong mawalan ng trabaho kaya susundin ko na lang ang amo ko. "Just eat." Napansin kong hindi pa nito ginagalaw ang pagkain niya nang mapatingin ako sa pwestong lamesa ko may pagkain din doon. Kanin lalagyan na lang ng ulam. Doon lang ako nakaramdam ng gutom Bayolente akong Napalunok at napatingin kay Senyorito. Kahit gutom na ako ay hindi parin ako komportable na saluhan siya. "Hindi naman po ako gutom sir." Dumilim ang mata niya at nag igting ang panga. Nagulat ako ng tumingin siya kay Mam Grace at sumenyas na lumapit ito. Halos maiyak ako baka kasi nagalit na ito ng tuluyan at alisan na ako ng trabaho. Agad naman lumapit ang matanda at ngumiti pa ito tuwang tuwa na tinawag siya ni Senyorito. Tumingin ako kay Mam pero ngumiti lang ito saakin. "Ano pong maipaglilingkod ko Senyorito?" Magalang at malambig na tanong nito. Kulang na lang lumaglag ang panga niya. Seriously... She's flirting him infront of me. But the guy doesn't care at all. What the hell. "I have a favor. Mrs." He look at me ganun padin ang expression ng muka niya. Madilim. " I'll pay her service for today. " Nanlaki ang mata ko at napanganga. Why would he do that? Ngumiti ng matamis ang matanda sakanya. "Sure sir. No problem." Tumango naman si senyorito. Agad tumalikod at umalis ang matanda kaya nagtataka kong tumingin sa Senyorito. What is he doing ? "Sir. Hindi niyo po kailangan gawen..." He stop me as he stand at stare at me blankly. "Come with me." What? Bakit? Teka, ngayon ko lang siya nakilala pero pinapasama na niya ako sakanya? Kahit naman mayaman at kilala siya dito sa buong lalawigan ay hindi niya naman ako pwedeng basta basta na lang dalhin kung saan niya gusto. Agad akong napatayo at inis na tinapunan siya ng tingin. The nerve of this guy. Argh!!! "Sir. Hindi ko po kayo kilala. At hindi po ako sasama sainyo." Matapang kong sabi. Halos lahat ng tao ay pinapanood kami kaya bigla akong nahiya at napapikit ng mariin. Parang kanina lang ayos pa ang lahat. Walang ganito... Nakakainis. "Okay then. Babalik na lang ako dito bukas. You can go home and rest." Kumunot ang noo ko. Tumalikod siya kaya napabaling ako sa mga pagkain sa lamesa hindi man lang iyon nagalaw... Sayang. Pagtingin ko ay nakalabas na ito at lahat ng mga tauhan niya ay nagsitayuan mayroon pang lumapit kay Mam Grace at sandali silang nagusap. Sumulyap pa siya saakin at umirap. Napayuko na lang ako. Ano ba tong napasok ko? Sa isang iglap parang nakahinga ng maluwag ang mga tao doon pati na rin ako dahil wala na ang mga kalalakihan lalo na ang lalaking iyon. Sino ba kasi siya sa akala niya at bigla na lang nang uutos na kala mo siya ang Boss ko... Kainis. "Sino ba yan? Kala mo naman ang ganda. Sya pa ang tumangi." "Kapal mo girl." "Baka naman isa sa pampalipas oras ni Senyorito? Gusto ata tumikim ng dukha." Napapikit na lang ako, marahan kong tinanggal ang apron ko at pinuntahan si Mam Grace. Inirapan niya ako. "Umuwe kana, Bukas pumasok ka At babalik ang Senyorito. Ayusin mo yang ugali mo ha! Kundi mawawalan ka ng trabaho." I bit my lower lip. Tumango ako, agad naman itong umalis sa harap ko. Pumasok ako sa loob at kinuha ang mga gamit ko. Dumeretso ako sa bahay nandun na sila Xia at Liam. Naghaharutan. Habang ako Badtrip dahil sa nangyare kanina sa tindahan. "Oh ang aga mo ata anak?" Si mama. Umupo ako sa upuan sa sala habang sila Xia ay sa lapag at gumawa ng assignment nila. Tinutulungan ni Liam. " Nagpaalam po ako. Magpapahinga lang po muna ako dito. Papasok din po ako mamaya. " Tumabi siya saakin at hinawi ang buhok ko. "Bago ka umalis may sasabihin kami ng Papa mo. Magpahinga ka muna." Tumango ako at agad na pumasok sa silid. Agad akong nagpalit at humiga. Nakatulog ako ng isang oras. Lumabas ako at nakita ko si Mama at Papa sa sala. Nanonood. "Anak kamusta ka?" Si Papa. Lumapit ako at humalik sa pisngi niya. "Ayos lang po." Ngumiti ako. Naalala ko na may sasabihin sila kaya tinanong ko agad iyon. "Oo nga pala. Kailangan kasi ni Gustavo ng Assistant. Malaki ang sweldo anak makakatulong sa pag bayad ng utang." Napaawang ang bibig ko. Gustavo Del Fabbro? Awit... Kung sinuswerte ka nga naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD